Mamamayan, hinimok ng opisyal ng Simbahan na mag-plant-based diet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Muling isinusulong ng Radio Veritas ang Kilusang Plant-based Diet bilang pagtataguyod sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.

Ito’y matapos na maitala ng Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi nitong 2021 dulot ng iba’t ibang karamdaman kabilang na ang coronavirus disease.

Ayon kay Father Anton CT Pascual, pangulo ng himpilan, isa sa mga tinitingnang sanhi ng pagkakaroon ng sakit ng isang tao ay ang labis na pagkain ng mga karne ng hayop tulad na lamang ng baboy.

“Alam naman nating 84-percent ng kinakain natin ang siyang sanhi ng sakit natin. Anong pagkain ito? Ito nga po’y mga pagkain na may mukha, mga animal-based na pagkain,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaya naman hinihikayat ng pari ang bawat mananampalataya na sikaping kumain ng mga pagkaing walang mukha tulad ng mga prutas at gulay na hindi lamang magdudulot ng kalakasan sa katawan, kundi pampahaba rin ng buhay.

“Kumain ng mga pagkaing walang mukha tulad ng gulay at prutas. Mga nuts, grains, legumes, mga kamote, at iba pang lamang lupa na mga tanim natin. ‘Yan po ang ating mga kinakain sapagkat sila po ay nagpapalakas. Oxygenated ang ating mga plants at nagpapagaling at nagpapahaba ng buhay,” ayon sa pari.

Payo pa ni Fr. Pascual na nawa’y pangalagaan at igalang ng bawat isa ang sariling pangangatawan dahil ito’y itinuturing ding templo ng espiritu santo.

“Sabi nga sa 1 Corinthians:6, “Alagaan natin ang ating katawan sapagkat nasa atin ang Panginoon”” saad ni Fr. Pascual.

Batay sa tala ng Commission on Population and Development (PopCom) nangungunang sanhi ng pagkamatay ng Filipino ay ang ischemic heart disease na aabot sa 110,332 ang nasawi mula Enero hanggang Oktubre 2021.

Pumapangalawa naman rito ang COVID-19 na umabot sa 75,285 ang nasawi noong nakaraang taon, mas mataas kumpara noong Marso hanggang Disyembre 2020 na umabot lamang sa 30,140.

Kabilang pa sa mga dahilan ng pagkamatay mula 2020 hanggang 2021 ay ang cerebrovascular disease, hypertension, at diabetes mellitus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 20,135 total reads

 20,135 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 100,896 total reads

 100,896 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 195,122 total reads

 195,122 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 255,611 total reads

 255,611 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 268,445 total reads

 268,445 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,570 total reads

 70,570 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top