Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aalay ng buong sarili, dakilang handog ng tao sa Diyos

SHARE THE TRUTH

 629 total views

Higit sa salapi at materyal na bagay, ang pag-aalay ng buong sarili ang pinakamagandang handog na maaaring ibigay ng tao sa Panginoon.

Inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maggiging ganap lamang ang buhay ng isang indibidwal kung isusuko at i-aalay niya ang buong pagkatao sa Diyos Ama na lumikha ng sangkatauhan.

“Yung iba sobre [ang inaalay] pero napapaisip ako minsan, ang sarili kaya ini-aalay bilang karapat-dapat at kaaya-ayang handog na pagsamba sa Diyos? Wala man akong maialay na sobre, wala man akong maialay na Red ribbon, tulad ni Hesus sambahin ang Diyos Ama sa pag- aalay ng isang matuwid na buhay nasa loob man ng templo o hindi, ikaw ang buhay na handog, ikaw ang nararapat na handog na magbibigay parangal sa Diyos Ama,” panawagan ni Cardinal Tagle.

Ginawa ni Cardinal Tagle ang pahayag sa pagpapasinaya sa altar retablo ng St. Pancratius Chapel sa Paco Park, Manila.

Idinagdag ng Kanyang Kabunyian na hindi masusukat ng anumang halagang inaalay sa misa ang tunay na pagsamba sa Diyos bagkus ang pagsasabuhay ng tao sa turo ni Hesus.

“Sinasabi din ni San Pablo, ‘Offer your bodies as a living sacrifice, your spiritual worship pleasing to God.’ Kung papaanong si Hesus inialay ang kanyang buhay bilang pagsamba sa Diyos, tayo rin iaalay ang ating sarili,”pahayag ni Cardinal Tagle.

Tulad ng mga batang Santo na sina Francisco at Jacinta, una nang hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na maging pastol na buong pusong nag-aalay ng buhay sa Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,961 total views

 34,961 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,793 total views

 57,793 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 82,193 total views

 82,193 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 101,085 total views

 101,085 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,828 total views

 120,828 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 71,690 total views

 71,690 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 177,957 total views

 177,957 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 203,771 total views

 203,771 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 218,923 total views

 218,923 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top