Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyan ng pagkakataong magbago ang mga makakasalanan

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Ang bawat isa ay nagkakasala at nagkukulang ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagtatama sa pagkakamali at ang pagbabagong buhay mula sa mga kasalanan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines kaugnay sa patuloy na mga kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng illegal na gamot at iba pang krimen sa lipunan.

Paliwanag ng Pari, ang kahalagahan ng buhay ang isa sa pinakamahalagang paninindigan ng Simbahang Katolika.

“Yung buhay mahalaga at isa yun sa mga mahalagang paninindigan ng ating pananampalataya, ang makasalanan binibigyan ng pagkakataong magbagong buhay hindi siya pinapatay. Sino ba naman ang magsasabing malinis at walang kasalanan, lahat tayo nagkukulang pero mahalaga na ito ay tugunan ayon sa kalooban ng Panginoon na bigyang pagkakataon na magbagong buhay, huwag papatayin…”pahayag ni Father Gariguez sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, patuloy na iniimbestigahan ang kaso ng pagkamatay ng 19-taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz na pinaghinalaang holdaper at kasamang 14-taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuan ang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na kapwa nagtamo ng mga pagpapahirap at pang-aabuso ang katawan ng dalawang biktima.

Una nang binigyang diin ni Fr. Gariguez na hindi nais ng Simbahan na iwanan ng pamahalaan ang laban nito sa illegal na droga sa halip ay dapat magpatupad ng makataong pamamaraan at isailalim sa rehabilitasyon ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.

Samantala nagpahayag na rin ng pangamba si incoming CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa patuloy na mga kaso ng pagpatay lalo na sa mga kabataan sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon sa Obispo, nangangailangan na ng seryosong pagsusuri ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga kung saan napakarami ng mga namatay na inosenteng sibilyan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 6,845 total views

 6,845 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 21,922 total views

 21,922 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 27,893 total views

 27,893 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 32,076 total views

 32,076 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 41,359 total views

 41,359 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 179 total views

 179 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SOAP project, muling inilunsad ng PJPS

 1,897 total views

 1,897 total views Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 37th Prison Awareness Week ngayong taon. Layunin ng proyekto na makapangalap ng sapat na pondo upang makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 2,906 total views

 2,906 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 3,010 total views

 3,010 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 3,347 total views

 3,347 total views Nagpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 3,347 total views

 3,347 total views agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

 4,112 total views

 4,112 total views Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal. Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 4,475 total views

 4,475 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 7,759 total views

 7,759 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Certificate of restoration ng Divino Rostro, tinanggap ni Archbishop Alarcon mula sa NHCP

 7,824 total views

 7,824 total views Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa restoration project ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa orihinal na 142-year old icon ng Divino Rostro o Holy Face of Jesus. Isinagawa ang turn-over ceremony noong September 28, sa Minor Basilica of

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa 38th National Migrants Sunday

 13,520 total views

 13,520 total views Inaanyayahan ng Pastoral Care for Families of Migrants and Itinerant People of Novaliches (PAMINOVA) ang publiko partikular na ang kapamilya ng mga migrante na makibahagi sa nakatakdang paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday. Ayon sa PAMINOVA, layuning ng diyosesis na gunitain at alalahanin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ihanda ang mga layko sa Great Jubilee Year 2025, misyon ng National Laity week 2025

 11,204 total views

 11,204 total views Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging epektibo at makabuluhan ang paggunita ng Pambansang Linggo ng Laiko o National Laity Week 2024 ngayong taon upang maihanda ang bawat layko sa nakatakdang Great Jubilee Year 2025. Ito ang bahagi ng mensahe ni Dipolog Bishop Severo Caermare –

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Maralit, buong-pusong tinanggap ang plano ng Panginoon

 12,648 total views

 12,648 total views Tiwala si out-going Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa plano ng Panginoon at pagtanggap sa bagong tungkulin na ini-atang sa kanya ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diyosesis ng San Pablo,Laguna. Ibinahagi ni Bishop Maralit na bagamat may takot, pangamba, at bahagyang lungkot sapagkat kontento, payapa at masaya siya sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

 15,621 total views

 15,621 total views Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan. Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

San Carlos Diocesan Social Action Foundation, kinilala ng DSWD

 13,618 total views

 13,618 total views Muling kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan at kakayahan ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) na tumugon sa pangangailangan ng nasasakupan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa sa lugar. Sa isinagawang DSWD monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section Staff sa tanggapan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top