Pamamayani ng police stigma sa mamamayan, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nanangamba ang isang Obispo na mamamayani ang ‘police stigma’ sa mamamayan dulot ng mga nagaganap na karahasan kung saan nasasangkot ang mga pulis sa pagpaslang at katiwalian.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity, hindi dapat humantong sa ganito ang sitwasyon ng mga pulis lalu’t pinagsikapan na mapabuti ang kanilang imahe.

“Dapat hindi tayo humantong dyan. Ang tagal na sinikap ng pulis na gumanda ang kanilang image. Kaya nga tinanggal ang PC dahil naging masama ang imahe ng PC noong martial law. Ngayon PNP dapat sa civilian control, ngayon nawawala ang paggalang ng mga tao sa mga pulis marami ang takot sa mga pulis, hindi naman lahat ng pulis ay gumagawa nun, hindi karamihan ng pulis pero nadadamay ang image nila,” ayon kay Bishop Pabillo.

Unang binuwag noong 1986 ang Philippine Constabulary dahil sa pang-aabuso noong panahon ng martial law na pinalitan ng Integrated National Police bago itinatatag ang Philippine National Police (PNP) na kasalukuyang binubuo ng may 175 libong police at civilian personnel.

Naniniwala ang Obispo na hindi lahat ng pulis ay masama at tiwali bagama’t nadadamay lamang sa ilang mapang-abuso sa kanilang tungkulin.

Kaugnay nito, hinamon ni Bishop Pabillo ang PNP na patunayang mapaparuhasan ang mga lumabag sa batas maging ito ay mula sa kanilang hanay lalu na sa nagaganap na pagpaslang sa mga inosente at iharap sa batas ang mga sinasabing vigilante group na gumagawa ng extra-judicial killings sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

“Dapat panindigan nila yun na hulihin ang mga sinasabing cases under investigation ano ba ang naresolved nila yan, ipakitang may naresolve sila, may naparusahan sila. Sa ngayon wala silang ipinapakita. So ngayon lumalabas na sangkot sila doon or inefficient sila,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Giit pa ng Obispo, hangga’t walang nahuhuli at napapanagot ay mawawalan na ng tiwala sa mga pulis ang publiko dahil ito ay pagpapakita na sila ay sangkot o di kaya ay walang kakayahan sa pagpapatupad ng batas.

Sa inilabas na pastoral letter ng CBCP hinggil sa extra judicial killings, hinimok ang mga sangay ng pamahalaan sa pagkakaroon ng mahusay na justice system para sa pagpapanagot sa mga nagkasala, pagtugis sa mga sindikato ng hindi magreresulta sa pagpaslang ng walang due process.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,786 total reads

 59,786 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,845 total reads

 138,845 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,290 total reads

 172,290 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,588 total reads

 207,588 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,690 total reads

 431,690 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top