Layko, hinimok ng CBCP na manindigan laban sa karahasan

SHARE THE TRUTH

 128 total views

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga layko na manindigan laban sa mga nagaganap na karahasan sa bansa partikular na sa madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Pinaalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na pangunahing tungkulin ng mga layko na dalhin ang mensahe ni Kristo sa anumang lugar sila naroon.

Ayon sa Obispo, kailangang maging mulat ang mga layko sa mga isyung panlipunan at manindigan sa hindi tamang nagaganap sa bansa.

“Paano sila magiging aktibo? una sa lahat dapat magkaroon sila ng malalim na kamalayan, awareness sa mga nangyayari, nag-aanalyze sila. Pinag-uusapan nila at pangalawa manindigan dapat sila, magsalita sila ayon sa sinasabi ng pananampalataya, ayon sa sinasabi ng mensahe ni Kristo, dahil sila ay tagasunod ni Kristo. Hindi ayon sa kanilang political affiliations, hindi ayon sa kanilang gusto,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Aminado si Bishop Pabillo na isa sa nagiging problema ng mga layko ay pagsunod sa kanilang mga nais na paniwalaan at pangalagaan ang political affiliation sa halip na sundin ang sinasaad ng ebanghelyo.

“Ang problema ang ibang mga layko mas pinahahalagahan pa ang kanilang political affiliations kaysa sa affiliations nila kay Kristo. Dapat ang basehan natin sa pagtingin sa lahat ng pangyayari ay ayon sa ebanghelyo hindi ayon sa sinasabi ng kung sinong pulitiko diyan o kung sinong mga lider diyan. Dahil ang lider natin ay si Hesus so yan ay panawagan sa mga layko na maging gising na at manindigan dahil yan ang tungkulin nila sa lipunan dalhin ang mensahe ni Kristo kung nasaan sila.”dagdag pahayag ni Bishop Pabillo

Ginawa ni Bishop Pabillo ang hamon kaugnay sa nalalapit na pagtitipon ng mga layko sa selebrasyon ng National Laity Week na idadaos sa Diocese of Gumaca at Archdiocese of Iloilo sa September 16-20, 2017.

Naunang binigyan diin ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na nagiging instrumento ng kamatayan ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Read: War on drugs ng administrasyong Duterte, instrumento ng kamatayan.
Ang layko ay ang mga binyagang katoliko na 99-porsiyento ng kabuuang populasyon ng simbahang katolika na
83 milyon, habang ang isang porsiyento naman ay binubuo ng mga pari at mga madre.

Una na ring nanawagan ang Santo Papa Francisco sa international lay groups na magpatuloy na ibahagi ang mabuting balita sa alinmang larangan tulad sa politika, pagnenegosyo, bilangguan maging sa kanilang mga pinaglilingkurang tanggapan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 32,003 total views

 32,003 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 43,649 total views

 43,649 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 52,896 total views

 52,896 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 58,693 total views

 58,693 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 71,081 total views

 71,081 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 5,511 total views

 5,511 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 6,830 total views

 6,830 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 11,709 total views

 11,709 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 12,876 total views

 12,876 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 23,896 total views

 23,896 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 24,632 total views

 24,632 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 26,394 total views

 26,394 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 18,293 total views

 18,293 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 27,583 total views

 27,583 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 27,890 total views

 27,890 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 32,085 total views

 32,085 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 36,105 total views

 36,105 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Yolanda anniversary, itinalagang kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

 47,719 total views

 47,719 total views Kasabay ng paggunita sa ika-10 taon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region, itinalaga ni Palo Archbishop John Du ang petsa ng November 8 bilang taunang pagdiriwang o ang Feast of Our Lady of Hope of Palo. Layunin ng deklarasyon ang higit pang paigtingin ang debosyon sa Our Lady of Hope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Walang kaluluwang nanakot,”-exorcist priest

 40,158 total views

 40,158 total views Hindi kailanman nagdudulot ng pinsala ang mga kaluluwa sa mga nabubuhay pa sa daigdig. Ito ang binigyan diin ni Pasig exorcist Fr. Daniel Estacio. Sa programang Dalangin at Alaala 2023 ng Radio Veritas, sinabi ng pari na pinahihintulan ang pagpaparamdam ng mga kaluluwa sa purgatoryo para lamang humingi ng panalangin. Giit ng pari,

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pag-aalay ng pagkain sa mga patay, ‘Trick or Treat’ hindi nararapat

 39,692 total views

 39,692 total views Pakainin ang mga buhay at hindi ang mga patay! Ito ang tradisyon at pamahiin ng mga kristiyano na dapat nang iwaksi ayon kay Fr. Bobby Dela Cruz ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa programang Dalangin at Alaala ng Radyo Veritas. Paliwanag ng pari, mas higit na kinakailangan ng mga kaluluwa sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top