Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aayuno, isang espiritwal na disiplina na nagbubukas sa puso ng mananampalataya-Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

 6,496 total views

Muling binigyang-diin ng opisyal na kinatawan ng Vatican sa Pilipinas ang mas malalim na kahulugan ng pag-aayuno bilang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng mananampalataya.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa kanyang naging Pastoral Visit On The Air sa himpilan ng Radyo Veritas ang Radyo ng Simbahan, kaugnay sa papalapit na Miyerkules ng Abo sa ika-18 ng Pebrero, 2026 na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang espirituwal na disiplina na nagbubukas ng puso ng bawat mananampalataya sa mas masidhing panalangin at sa biyaya ng Banal na Eukaristiya.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ng Nuncio na ang pag-aayuno ay hindi lamang simpleng pag-iwas sa pagkain, kundi isang pambihirang hakbang upang bigyang-daan ang buhay na espirituwal na nagmumula sa Diyos.

“So when we fast, we have more time to pray. More time to pray. And, there are all kinds of, yeah, I think there’s also probably a connection between fasting and the Eucharist, you know, because when we fast, we’re not eating food that gives us biological life.” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Archbishop Brown, ang bawat pagkain ay nagbibigay ng ‘biological life’, subalit sa Eukaristiya ang tinatanggap ng mananampalataya ay isang mas mataas at walang hanggang buhay na nagmumula sa Panginoon.

Ipinaliwanag ng Nuncio ang kusang pagtalikod sa pagkain ay maaaring magbukas sa tao sa mas malalim na pagtanggap ng biyayang espirituwal na nagmumula sa Eukaristiya, kung saan binalikan din ng Arsobispo ang tradisyon ng Simbahan hinggil sa pag-aayuno bago tumanggap ng Banal na Komunyon.

“Every calorie is live it’s a life and um so spiritually the eucharist is the bread of eternal life, a different kind of life. It’s similar, analogous. That means it’s similar to biological life, but it’s different. So maybe there’s something about not eating biological, not receiving biological life, to open yourself more to spiritual life from the Eucharist in fasting. That’s why, traditionally, we fasted before receiving the Eucharist, which now has been reduced to an hour before we receive.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pag-aayuno ay isang paraan ng paghahanda, hindi lamang ng isip kundi pati ng pisikal na katawan upang tanggapin ang pambihirang buhay na nagmumula sa Diyos.

“There is a connection between depriving yourself of biological life to kind of open your heart and your body even to this supernatural life that’s flooding into you through the Eucharist. Make way for the divine.” Ayon pa kay Archbishop Brown.

Bagama’t kinikilala ng Arsobispo ang pisikal na benepisyo ng pag-aayuno, binigyang-linaw ni Archbishop Brown na ang pangunahing layunin nito para sa mga Kristiyano ay espirituwal.

“It seems like it has health benefits. But we fast not really for physical health benefits, even though it has physical health benefits. We do it for spiritual health benefits.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Sa kanyang mensahe, hinihikayat ni Archbishop Brown ang mga mananampalataya na tingnan ang pag-aayuno bilang isang sagradong paghahanda at isang paraan upang linisin ang sarili at bigyang-daan ang mas ganap na pakikipagtagpo kay Kristo sa Eukaristiya, lalo na sa mga panahong liturhikal ng pagninilay at pagbabalik-loob.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disiplina sa Kongreso

 35,938 total views

 35,938 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 113,091 total views

 113,091 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 134,000 total views

 134,000 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 136,973 total views

 136,972 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 155,285 total views

 155,284 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 28,147 total views

 28,147 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »
Scroll to Top