Pag-aresto sa 11-katutubo, kinundena ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,509 total views

Nagpahayag ng pagkabahala si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, kaugnay ng pagkaka-aresto sa labing-isang katutubong residente ng Barangay Mariahangin sa Balabac, Palawan noong May 15.

Sa pahayag ng pagsuporta, mariing kinundena ni Bishop Mesiona ang pagkakakulong ng mga katutubo na nahaharap sa kasong grave coercion matapos sapilitang dalhin sa Brooke’s Point.

Ayon sa obispo, ang mga inaresto ay karaniwang mamamayan na mapayapang ipinagtatanggol lamang ang karapatang manirahan at maghanapbuhay sa lupang minana mula sa kanilang mga ninuno.

“We stand in solidarity with the indigenous people of Mariahangin, Balabac, in their defense of their right to live peacefully on the lands inherited from their ancestors,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Hinikayat ni Bishop Mesiona ang pamahalaan at mamamayan na kilalanin at igalang ang karapatan ng mga katutubo, at iginiit na hindi sila dapat ituring na kriminal dahil lamang sa pagtatanggol ng kanilang tahanan, kabuhayan, at kultura.

Nananawagan din ang simbahan at mga grupong tagapagtanggol ng karapatang pantao para sa makatao, at makatarungang pakikitungo sa mga inaresto, at hinihikayat ang mga ahensya ng pamahalaan na suriin ang insidente sa konteksto ng karapatang pantao at social justice.

“These individuals are ordinary people who simply seek to protect their right to live and work their lands. Therefore, we express our condemnation of the treatment of these eleven residents of Mariahangin,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Matagal nang kinikilala ang Barangay Mariahangin bilang lupaing ninuno ng mga katutubong grupo, tulad ng Molbog at Cagayanen, ngunit sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng mga alitan kaugnay ng pang-aagaw ng lupa at mga usaping legal sa paninirahan ng mga katutubo sa kanilang lupain.

Tinatayang nasa 96 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Mariahangin, kung saan 12 pamilya rito ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 25,599 total views

 25,599 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 46,580 total views

 46,580 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 69,008 total views

 69,008 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 242,216 total views

 242,216 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,986 total views

 217,986 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top