Pag-ibig, ginamit na pantapat ni Hesus sa kasamaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Pag-ibig na handang magdusa ang ginamit ni Hesus na pangtapat sa kasamaan.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagdiriwang sa Pagpapakasakit ng Panginoon noong Biyernes Santo, ika-19 ng Abril, 2019.

Nilinaw ng Kardinal na pag-ibig ang nagliligtas at hindi ang pagpapakasakit dahil maaaring makaranas ng pasakit ang mga tao gayung hindi naman ito umiibig at anu mang mga paghihirap at pasakit ay hindi magdadala ng kaligtasan kung wala din itong pag-ibig.

“Pag-ibig ang nagliligtas laban sa kasamaan. Nagdurusa ka nga, wala ka namang pag-ibig. Nagdurusa ka nga, reklamo ka naman ng reklamo, walang kaligtasan iyon.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, sa pagdiriwang ng taon ng mga kabataan, nagbahagi naman ng tatlong punto ang Arsobispo kung paanong maipakikita ang pagtugon sa pag-ibig ni Kristo nahandang magdusa.

PAG-BIG NA NAKABATAY SA KATOTOHANAN

Binigyang diin ng Kardinal na ang tunay na umiibig ay naghahayag ng katotohanan at hindi nagkukubli ng anu man sa kanyang sarili o pagkatao.

Dagdag pa nito kasama ng paghahayag sa katotohanan ay ang katapangan at paninindigan sa kung ano ang totoo, at hindi ang pagkukubi sa likod ng mga kasinungalin.

“Mga kabataan, mabuhay kayo sa katotohanan. Ang umiibig totoo, nakalulungkot na pati sa social media, kung ano-anong pangalan ang ginagamit. Kung bumabatikos matapang lang kasi hindi n’ya ginagamit ang tunay n’yang pangalan. Ang daming duwag sa mundong ito, at dahil duwag, hindi marunong magpahayag ng katotohanan.” Pagbabahagi ng Kardinal.

PAG-IBIG NA HINDI NAGPAPAHAMAK

Umapela naman si Cardinal Tagle sa mga kabataan at sa lahat ng mananampalataya, na huwag maging ugali ang pagpapahamak ng ibang tao mailigtas lamang ang kanyang sarili.

Aniya, tulad ng ipinakita ni Hesus nang siya ay hulihin, hindi nito ipinahamak o ipinain ang isa man sa Kanyang mga alagad at sa halip ay isinuko Niya ang Kanyang sarili upang mailigtas ang iba.

“Kapag nasanay kayo na ipahamak ang iba para lamang maisalba ang sarili, kasasanayan ninyo yan. Baka ipahamak ninyo ang asawa ninyo, baka ipahamak ninyo ang anak ninyo at ang iba pa. Mga kabataan, simulant ngayon ang pagiging marangal na tao, hindi nagpapahamak ng iba. Kung ikaw ang may sala harapin mo, huwag kang magtuturo ng iba na mapapahamak dahil sa iyong pagkatakot at kasinungalingan.”

ANG PAG-IBIG AY HINDI NAPAPATAY NG SINDAK

Samantala, isinalaysay naman ni Cardinal Tagle na ang pagsigaw at paninindak ng mga sacerdote kay Anas, Caifas at Pilato ang dahilan kung bakit ipinako at ipinapatay si Hesus.

Gayunman sa kanilang ng pagsigaw sa Kanya ay katahimikan lamang ang isinagot ng Panginoong Hesukristo dahil batid niyang nasa Kanya ang katotohanan.

Dahil dito, hinamon ng Arsobispo ang mga mananampalataya lalo’t higit ang mga kabataan na simula ngayong Biyernes Santo ay huwag maging katulad ng taong-bayan at mga sacerdote na naninindak ng kapwa, marahas, at mapang-api.

“Isipin ninyo, ang nagpapatay kay Hesus, ang mga naninindak, pasigaw-sigaw. Ang ating tagapagligtas tahimik dahil ang katotohanan ang mananaig.”

Biyernes Santo ang araw kung saan ginugunita ng buong Simbahang Katolika ang kamatayan ni Hesus sa Krus na nagdala naman ng kaligtasan at buhay sa mga mananampalataya.

Sa araw ding ito ay hindi ipinagdiriwang ang Banal na Misa at sa halip ay pinakikinggan at pinagninilayan ang mga Salita ng Diyos hinggil sa kamatayan ni Hesus.

Kabilang sa tatlong bahagi ng pagdiriwang na ito ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos; Pagpaparangal sa Krus na Banal; at Pakikinabang.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 8,711 total reads

 8,711 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 28,002 total reads

 28,002 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 46,209 total reads

 46,209 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 130,540 total reads

 130,540 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 167,913 total reads

 167,913 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 198,960 total reads

 198,960 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,558 total reads

 377,558 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top