3,315 total views
Naglaan ang Pag-IBIG Fund ng tatlong bilyong piso para sa mga miyembrong labis napinsala ng bagyong Egay at Falcon kamakailan.
Ayon kay Department of Human Settlement and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar ito ang tugon ng ahensya sa pangangailangan ng mamamayan lalo na sa Northern Luzon.\
“Pag-IBIG Fund has allocated calamity loan funds to help affected members in Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, the Cordillera Administrative Region (CAR), Bulacan, Pampanga, Bataan, and Cavite, recover from the devastation caused by Typhoons Egay and Falcon.” pahayag ni Acuzar.
Sinabi ng opisyal na ipinag-utos na rin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaigting sa mga local government unit ng mga lugar na apektado ng kalamidad upang matiyak ang pagtugon ng gobyerno.
Sa Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund maaring makahiram ang mga miyembro ng hanggang 80 porsyento sa kanilang kabuuang kontribusyon na may 5.95 percent na interes na maaring bayaran sa loob ng tatlong taon.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta agad na gumawa ng hakbang ang ahensya upang matiyak na mapaglingkuran ang mga nangangailangang miyembro lalo na sa mga lugar na nagtamo ng labis na pinsala.
“When calamities strike, we at Pag-IBIG understand that our members in affected areas need immediate financial assistance. That is why we make sure that all our programs and services remain responsive and accessible to our members.” ani Acosta.
Pagbabahagi nitong umabot na sa 709-milyong piso ang naipamahagi sa 41-libong miyembro sa calamity stricken areas ng bansa sa buwan nh Hunyo habang iginiit na mananatiling bukas ang mga tanggapan nito kahit na kabilang sa nasalanta ng kalamidad.
Maaring maghain ng aplikasyon ng calamity loan ang mga miyembro sa loob ng 90 araw mula nang ideklarang state of calamity ang isang lugar.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council halos tatlong milyong katao sa bansa ang apektado ng malakas na bagyo habang naitala naman ng Department of Agriculture ang halos tatlong bilyong pisong pinsala sa sektor ng agrikultura at mahigit tatlong bilyong piso naman sa imprastraktura.