266 total views
Nakiisa si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon sa Obispo, patuloy ang pag-aalay ng panalangin at mga misa para sa ikabubuti ng mga nasalanta ng lindol gayundin ang pakikiisa sa kanila.
“Indeed this is a moment of giving our full support and prayers for the casualties both persons and properties in the recent earthquake that happened in The area of jurisdiction of the Diocese of Marbel and the other dioceses nearby,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.
Tiniyak din ng Obispo ang pag-aalay ng panalangin para naman sa kaligtasan ng mga rumeresponde sa pangangailangan ng mga nasalantang Pilipino.
Ito ay upang maisulong ang pagkakaisa sa gitna ng sakuna at higit na mabigyan ng kaliwanagan ang pangamba ng mga pamilya na nakaligtas o patuloy na pinaghahanap sa mga search and rescue operation matapos ang lindol.
“Our prayers and our material support coming from our people we shall share with you all. We know how traumatic this has been yet let us raise our voices to the almighty for protection. God bless you all,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.
Una ng nakapagpadala ng Finacial Assistance sa Diocese of Marbel ang Diocese of Pasig nagkakahalaga ng 200-thousand pesos mula sa unang pag-aambagan ng mga Pastol ng Diyosesis.
Gayundin ang pagpapapadala ng 150-thousand pesos ng Diyosesis ng Antipolo para ipangtugon ng Diyosesis ng Marbel sa pangangailangan ng mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng 7.8 na magnitude na Lindol sa Mindanap na pangunahing niyanig ang General Santos City.






