Pagsasagawa ng 2nd collection para sa quake victims, inutos ng Obispo ng Diocese of Lucena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,199 total reads

Naglabas ng liham sirkular si Lucena Bishop Mel Rey Uy, na nag-aatas ng pagsasagawa ng ikalawang koleksyon sa lahat ng anticipated at Sunday Masses sa darating na Hunyo 13 at 14, 2026 bilang tugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng malakas na lindol sa General Santos at mga karatig na lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Nasasaad sa direktiba ni Bishop Uy sa ilalim ng Circular No. 05, Series of 2026, na ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa mga relief at rehabilitation efforts upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Hinikayat din ng Obispo ang mga mananampalataya na ipakita ang diwa ng pagkakaisa at malasakit bilang iisang pamilya ni Kristo sa pamamagitan ng mapagkawanggawang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

“As one family in Christ, let us extend our generosity and solidarity to those who are suffering and in need. The proceeds of this collection will support relief and rehabilitation efforts for the affected communities. “Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ.” (Galatians 6:2) May our compassionate response be a sign of God’s love and mercy to our brothers and sisters in General Santos.” Bahagi ng liham sirkular ni Bishop Uy.

Ayon kay Bishop Uy, higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon ang pagkakaisa ng lahat sa pagtulong at pagdadamayan para sa kalagayan ng mga mamamayang naapektuhan ng malakas ng pagyanig.
Umaasa naman ang Diyosesis ng Lucena na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mananampalataya ay maipadama ang pagmamahal at awa ng Diyos sa lahat ng mga lubhang naapektuhan ng trahedya sa Mindanao.

Sa tala may mahigit sa 40 ang mga parokya sa Diyosesis ng Lucena na nagsisilbing gabay sa buhay espiritwal ng may humigit kumulang 1-milyong mga Katoliko sa lugar.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,059 total reads

 12,059 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,186 total reads

 12,186 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 22,179 total reads

 22,179 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,585 total reads

 78,585 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 202,086 total reads

 202,086 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,349 total reads

 286,349 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top