2nd collection, isasagawa ng Diocese of Virac para sa mga apektado ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,763 total views

Ipinag-utos ni Virac Bishop Luisito Occiano ang pagsasagawa ng special second collection sa lahat ng parokya at mission churches ng Diocese of Virac sa Hunyo 14 upang makatulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8.

Sa inilabas na liham sirkular, sinabi ng obispo na ang hakbang ay tugon sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa agarang pagtulong sa mga naapektuhan ng sakuna, lalo na sa Sarangani at mga karatig lugar.

Ayon kay Bishop Occiano, dapat makiisa ang buong Simbahan sa paghahatid ng ng pag-asa sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay, tahanan, at kabuhayan dahil sa malakas na pagyanig.

“Today, our Mother Church, through the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, calls us. She asks us not to look away,” bahagi ng liham ni Bishop Occiano.

Binigyang-diin ng obispo na nauunawaan ng mga taga-Catanduanes ang sakit at hirap na dulot ng mga kalamidad dahil ilang ulit na ring nakaranas ang lalawigan ng mapaminsalang mga bagyo at sakuna.

Inatasan din ni Bishop Occiano ang mga parokya na agad na ipadala ang malilikom na tulong sa Social Action Center ng Diocese of Marbel para sa relief at rehabilitation efforts, at isama sa Panalangin ng Bayan ang mga biktima, rescuer, at mga pamayanang nagsisikap na makabangon mula sa sakuna.

Dagdag pa ng obispo, ang anumang tulong na maipagkakaloob ng mga mananampalataya ay magiging konkretong pagpapahayag ng pakikiisa sa mga nagdurusa.

“We cannot rebuild their homes from Virac. But we can send hope. We can send help. We can send the message: ‘You are not alone. Your Church in Catanduanes is with you,'” saad ng obispo.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 47 ang nasawi, 688 ang nasugatan, habang 31 naman ang nawawala dulot ng malakas na pagyanig sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 191,176 total views

 191,176 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 221,399 total views

 221,399 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 248,044 total views

 248,044 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 343,017 total views

 343,017 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 351,660 total views

 351,660 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top