Maging “influencer” ni Hesus sa digital world, panawagan ni Cardinal Tagle sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,330 total views

Ito ang panawagan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization sa delegasyon ng mga kabataang Filipino sa nagaganap na World Youth Day 2023 sa Lisbon, Portugal.

Sa misang pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon para sa mga Filipinong delegasyon ay ibinahagi ng Cardinal na ang digital world ay isang malawak at pambihirang daigdig kung saan ang lahat ay maituturing na naninirahan kaya’t marapat lamang na palaganapin din dito ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-impluwensya ng katotohanan, katarungan, at pagiging taga-pangalaga ng kalikasan at kapwa nilalang.

“Lahat tayo inhabitants, resident ng digital world, that is a world that is heavily populated and all of us inhabit that world. Please dear young people of the Philippines spread the influence of Jesus, the influence of truth, justice, caring for the earth, caring for fellow human beings, spread this influence in the world of social media.” Ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Tinukoy ng Cardinal ang paglaganap ng mga tinaguriang ‘influencer’ sa makabagong panahon na ginagamit ang social media, internet at digital world sa pagpapalaganap ng iba’t ibang mga ideya at kasanayan sa mas nakararami.

Iginiit ni Cardinal Tagle na higit na mas magiging epektibong ‘influencer’ ang isang indibidwal kung ang impluwensya ni Hesus at ng Salita ng Diyos ang ipapalaganap at ibabahagi sa pamamagitan ng makabagong paraan ng pakikipagkumunikasyon sa digital world.

“We hope as influencers inspired by the Gospel, we will allow Jesus to influence us. Kung influencer ka tanungin mo ‘ano ba ang nakaka-influence sa iyo’ baka ginagamit ka lang nung nag-iinfluence sayo kaya dino-duplicate mo lang yung impluwensya ng iba, but if the one influencing you is Jesus and the Gospel, go right ahead influence other people through this social media which is a world in itself.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa tala ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, aabot sa 1,500 hanggang 2,000 ang bilang ng mga Filipinong kabataang delegasyon ng Pilipinas sa World Youth Day 2023 na nagaganap sa Lisbon, Portugal.

Kabilang sa pangunahaing gawain sa isang linggong Pandaigdigang Pagtitipon ng mga Kabataan ang First World Meeting of Digital Evangelizers and Missionaries mula sa iba’t ibang mga bansa na layuning isulong ang paggamit ng makabagong pamamaraan sa pagsusulong ng ebanghelisasyon.(reyn)

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 51,055 total views

 51,055 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 64,632 total views

 64,632 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 93,196 total views

 93,196 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 141,727 total views

 141,727 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 133,655 total views

 133,655 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top