VeritasPH

The Word, The Truth

Pag-ibig sa paglisan

SHARE THE TRUTH

 289 total views

Habang tayo ay nagbulay-bulay sa pagpapala at biyaya ng bawat paglisan noong kamakalawang araw, noon din naman nag-trending sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira dela Torre, dalawang sikat daw na mga mang-aawit na ni hindi ko alam ni kilala.

Sumabay din naman kinagabihan ding iyon ang desisyon ng korte pagkaraan ng anim na linggong hearing na sinubaybayan ng marami sa social media (ako po hindi) ang demandahan ng mas sikat na mga taga-Hollywood at dating mag-asawa na Johnny Depp at Amber Heard. Magandang pagkakataon ang dalawang naturang balitang showbiz upang suriin nating mabuti ating mga ugnayan o relationships at tingnan nasaan na nga ba ang pag-ibig sa isa’t isa.

Gaya ng ating napag-nilayan noong Miyerkules, ang bawat paglisan ay biyaya at pagpapala sa kapwa umaalis at naiiwan kapag ang pagpapasiyang lumisan ay napagnilayan at napagdasalang mabuti.

At higit na lumalalim ang ugnayan ng isa’t-isa at pag-ibig sa bawat paglisan kapag ito ay humahantong sa wakas ng buhay at kamatayan.

Kaya ang aking tanong na bunsod ng awit ni Bb. Cookie Chua noong dekada 90, sa bawat paglisan, sino nga ba ang may higit na pag-ibig, ang umaalis o naiiwan?

Larawan kuha ni Bb. Jing Rey Henderson sa Taroytoy, Aklan noong ika-30 ng Abril, 2022.

Palagi ko sinasabi sa bawat kinakasal ko na hindi paligsahan ang pag-ibig. Sino mang mayroong higit na pag-ibig, siyang dapat magmahal nang magmahal, umunawa at magpatawad, unang kumibo at bumati sakaling sila ay may di-pagkakasundo o tampuhan.

Hindi rin paligsahan sa pag-ibig ang aking nais mabatid sa aking naturang tanong kungdi ito’y sumagitsit sa aking puso at isip noong ilibing ng Martes kapatid ng yumao kong kaibigan.

Unang pumanaw noong Enero si Ate Priscilla sa sakit na kanser. Simple at tahimik na nakaibigan ko siya sa dati kong parokya na pinaglingkuran. Apat silang magkakapatid na mga dalaga na iniukol ang mga sarili sa mga pamangkin at simbahan. Nitong pagpasok ng 2022, nagkasakit si Ate Illa at ako pa ang nagkumbinsi sa kanyang pumasok na sa pagamutan kasi, ayaw niyang mahirapan sa pag-aalaga sa kanya at sa gastusin ang mga kapatid.

Kuha namin noong Enero 01, 2022 nang dumalaw sa akin si Ate Illa at mga kapatid. Hindi kasama si Ditseng Baby.

Ngunit huli na pala ang lahat.

Biglang lumala kanyang kalagayan at binawian ng buhay pagkaraan ng dalawang araw sa ospital. Noong kanyang lamay, palaging sinasabi ng nakababata niyang kapatid, si Ditseng Baby, na siya man ay ayaw nang pahirapan mga kapatid niya sa kanyang pagkakasakit din ng kanser. Halos magkasunod silang nagkaroon ng kanser bago mag-COVID pandemic. Hindi nga nagtagal, noong ika-27 ng Mayo, biglang inatake sa bahay si Ditseng Baby at pumanaw.

Kaya ako ay bumalik sa kanilang tahanan at simbahan upang siya naman ang Misahan at ihatid sa huling hantungan kamakailan.

Isa na namang paglisan na biglaan ngunit napaghandaan ng mga pumanaw.

Hindi naman natakot ang magkapatid na Ate Illa at Ditseng Baby sa buhay at kamatayan; katunayan sa aking pananaw, buong tapang nilang hinarap lalo ang kamatayan. Mas mahirap sa may katawan siguro ang maramdaman na ikaw ay papanaw at buong tapang itong tanggapin at sabihin.

Larawan kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD, 2021.

Biyaya pa rin ng Diyos ang magkaroon ng gayong lakas ng loob sa gitna ng panghihina ng katawan. At ang pangunahing biyaya na binubuhos ng Diyos sa isang lumilisan ay pag-ibig, lalo na kung ito ay hahantong sa kamatayan. Pag-ibig ang dahilan kaya ayaw na nilang mahirapan pa mga kapatid nila sa pag-aalaga at gastusin kahit mayroon silang kakayahang magpagamot. Pag-ibig hanggang sa huling sandali ang kanilang handog at ibinahagi sa lahat.

Kaya nga kapag mayroong isang taong lumilisan – pansamantala man tulad ng pangingibang- bayan o panghabang-buhay tulad ng mga naghahabilin sa banig ng karadaman – higit ang kanilang pag-ibig na binibigay sa mga naiiwan o nauulila.

Mas marami silang pabaon na pag-ibig sa mga naiiwan kung titingnan.

"Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig"
- Bb. Cookie Chua ng Color It Red, "Paglisan"
Larawan kuha ng may-akda sa Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 2016.

Sino man ang magpasyang lumisan batay sa maka-Diyos na pamantayan at konsiderasyon, nakatitiyak ako siya ang mayroong higit na pag-ibig dahil handa siyang iwanan ang lahat para sa mga minamahal.

Pang-apat sa walong pagpapala o beatitudes na ipinahayag ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok ay mayroong kinalaman sa paglisan:

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”

Mateo 5:4

Kapag mayroon umaalis, tayo ay nagdadalamhati, lumuluha kasi masakit ang maiwan, pansamantala man o pangmagpakailanman.

Nasaan ang pagpapalang sinasabi ni Hesus kung tayo ay lumuluha, nagdadalamhati dahil naiwan ng isang lumisan o pumanaw?

Naroon sa pag-ibig!

Pinagpala ang mga nagdadalamahati kasi mayroon silang pagmamahal, sila’y nagmamahal kaya lumuluha sa lumisan na kamag-anak o kaibigan; subalit, higit ang kanilang pagpapala dahil sila ay minahal ng lumisan!

Higit pa rin ang pag-ibig ng lumilisan kung tutuusin.

Kaya tayong naiiwan ay umiiyak, nasasaktan.

Subalit, lahat ng kalungkutan ating mararanasan sa paglisan ay pagbabadya ng higit na tuwa at kagalakan. Wika din ni Hesus sa kanyang mga alagad noong Huling Hapunan nila na mas mabuti na siya ay lumisan upang sa gayon ay maisugo niya ang Patnubay o Espiritu Santo (Jn. 16:7).

Gaya ng ating napagnilayan noong Miyerkules, ito yung ikalawang mahalagang bagay dapat nating pakaisipin sa pagpapasya kung tayo ay mananatili o lilisan: ang ating kaganapan at paglago ng katauhan (https://lordmychef.com/2022/06/01/pagpapala-sa-paglisan/).

Muli, ating makikita ang higit na pag-ibig na bigay pa rin ng lumilisan dahil sa bawat pag-alis, naroon din ang pagkakataong lumago ang katauhan ng naiiwan gaya ng lumilisan.

Larawan kuha ng may-akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-19 ng Abril 2022.

Ganyan ang paraan paanong lumago ating pananampalatayang Kristiyano dahil sa paglisan ni Hesus, lalong nag-ibayo sa pagmamahal at pagsusumakit ang kanyang mga naiwan sa pagpapahayag sa salita at gawa ng ipinadama niyang pag-ibig para sa ating kaligtasang lahat.

Dahil sa pag-ibig na iyan ni Hesus, naging pagpapala ang bawat paglisan dahil hindi na lamang ito pagtungo sa isang dakong malayo kungdi pagpasok sa panibagong antas ng ugnayan. Wika nga ng mga kabataan, level up ang ating mga relationships.

Sa bawat paglisan, hindi tayo nababawasan o nawawalan kapag pag-ibig ang dahilan nito.

Kaya sana, ngayon pa lamang atin nang pakaingatan at pahalagahan bawat isa upang bawat paglisan ay maging makabuluhan. Nawa sa ating paglisan, bantayan at pagpalain tayo ng Diyos palagi. Mizpah (Gen.31:49)!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,011 total views

 6,011 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 21,997 total views

 21,997 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,042 total views

 30,042 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,122 total views

 35,122 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,828 total views

 40,828 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Travelling in Christ, with Christ

 487 total views

 487 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 14 July 2024 Amos 7:12-15 ><}}}*> Ephesians 1:3-24 ><}}}*> Mark 6:7-13 Photo by Jason Toevs on Pexels.com It is always easy to spot any flight back to Manila if you happen

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Words, words, words…

 1,178 total views

 1,178 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 12 July 2024 Hosea 14:2-10 <*[[[[><< + >><]]]]*> Matthew 10:16-23 Photo by Skitterphoto on Pexels.com Thus says the Lord: Return, O Israel, to the Lord, your God; you

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our hands, a gospel in themselves

 2,966 total views

 2,966 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Benedict, Abbott, 11 July 2024 Hosea 11:1-4, 8-9 <*[[[[>< + ><]]]]*> Matthew 10:7-15 Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation: ‘The kingdom of heaven is at hand.’ Cure the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

First we learn, then we are sent

 1,886 total views

 1,886 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 10 July 2024 Hosea 10:1-3, 7-8, 12 <*((((>< + ><))))*> Matthew 10:1-7 Photo by shy sol on Pexels.com Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean spirits

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Abundant harvest?

 967 total views

 967 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 09 July 2024 Hose 8:4-7, 11-13 ><))))*> + <*((((>< Matthew 9:32-38 Photo by Onnye on Pexels.com Then he said to his disciples, “The harvest is abundant but the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Blessedness of desert

 1,216 total views

 1,216 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 08 July 2024 Hosea 2:16,17-18, 21-22 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:18-26 Photo by Walid Ahmad on Pexels.com Thus says the Lord: I will allure her; I will lead

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our blessed failures

 2,194 total views

 2,194 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 07 July 2024 Ezekiel 2:2-5 ><}}}}*> 2 Corinthians 12:7-10 ><}}}}*> Mark 6:1-6 Photo by Mr. Gelo Carpio, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, January 2020. Last week’s readings clarified with us the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Praying to be prophetic

 1,905 total views

 1,905 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II First Friday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 05 July 2024 Amos 8:4-6, 9-12 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:9-13 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD in Infanta, Quezon 2020. Help us, loving Father

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

That crossing again…

 6,337 total views

 6,337 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 04 July 2024 Amos 7:10-17 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:1-8 Photo by Mr. Raffy Tima, GMA-7 News in Batanes, 2018. Oh how I love the gospel this

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The gift of communion

 3,684 total views

 3,684 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Feast of St. Thomas, Apostle, 03 July 2024 Ephesians 2:19-22 <*{{{{>< + ><}}}}*> John 20:24-29 From the the Catholic Diocese of Little Rock, Arkansas, dolr.org. Praise and glory to You, God our Father for your gift

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When God speaks

 3,960 total views

 3,960 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 02 July 2024 Amos 3:1-8, 4:11-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:23-27 Photo by author in San Juan, La Union, 25 July 2023. Your words are weighty and

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

How to fail in marriage

 3,961 total views

 3,961 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 01 July 2024 Image from http://www.oodegr.com. Many people today see marriage in the human level, downplaying or outrightly refusing its supernatural dimension being a gift and a grace from God. What is most funny with them is how they also insist on giving weddings some semblance

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Jesus crossed seas & streets to lead us to the side of life, again & again…

 4,708 total views

 4,708 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 30 June 2024 Wisdom 1:13-15, 2:23-24 ><}}}}*> 2 Corinthians 8:7, 9, 13-15 ><}}}}*> Mark 5:21-43 August 20, 2021 frontpage photo of the Philippine Daily Inquirer at the height of COVID-19

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Gift of encouragement

 5,443 total views

 5,443 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Memorial of St. Irenaeus, Bishop & Martyr, 28 June 2024 2 Kings 25:1-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:1-4 It is the end of another week of work and studies for most of us, God our loving

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Finding God where we are, not where we would want to be

 5,442 total views

 5,442 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Cyril, Bishop & Doctor of the Church, 27 June 2024 2 Kings 24:8-17 <*((((><< + >><))))*> Matthew 7:21-29 Photo by Ms. Analyn Dela Torre, March 2024. God our loving Father, help us find

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top