250 total views
Mahalaga ang pag-iingat at pagiging mapagmatyag ng publiko sa gitna ng patuloy na banta ng terorismo sa bansa.
Ito ang babala ni Center for People Empowerment in Governance o CENPEG Vice-Chairman Professor Roland Simbulan sa mamamayang Filipino.
“Importante dito vigilance ng mga tao because the most effective way of combating this kind of people who do not distinguish between soldiers and civilian is vigilance and effective intelligence operations para malaman yung plot nila sa ating bansa…”pahayag ni Prof.Simbulan
Nauna ding umapela sa publiko ang Malacañang at ang Armed Forces of the Philippines para sa pansamantalang pagsasantabi ng usaping pampulitika at magkakaisa laban sa terorismo na isang malaking banta para sa buong bansa.
Batay sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo sa buong mundo.
Samantala nauna nang nanawagan ang CBCP-Episcopal Commission for Inter-Religious Dialogue na hindi lamang ang pananalangin para sa kapayapaan at para sa buhay ang dapat magkaisang gawin ng mga mamamayan kundi maging ang pagtatama sa mga maling ideyolohiya na kumakalat sa lipunan partikular na ang ideyolohiya ng terorismo.
Read: Sama-samang itama ang mga maling ideyolohiya sa lipunan