FEJODAP, tutol sa pagbuo ng jeepney cooperative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 498 total views

Tutol si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) National President Zeny Maranan sa panukalang ipasailalim sa kooperatiba ang mga driver at operator upang bigyang-daan ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Department of Transportation.

Ayon kay Maranan, suportado ng FEJODAP ang programang modernisasyon subalit hindi ang pagbubuo ng isang kooperatiba ng mga maliliit na tsuper at operator para lamang maka-utang sa bangko na magdudulot ng mabigat na pasanin sa kanila.

“Ayaw po namin ng cooperative dahil nangyayari po iyan sa kalakan ng kooperatiba ngayon na may mga namumuno diyan na kapag hindi nakapagbayad sa kanila yung operator ay idina-drop nila yung unit at pinapalitan nila ng iba na kawawa po talaga kapag nakamiyembro ka sa kooperatiba,” ani Maranan sa Radio Veritas.

Nabatid na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ang P2.26 bilyong subsidiya sa mga pampasaherong jeep upang palitan ng electronic, solar at Euro-4 jeepney ang mga PUV na may labing limang taon pataas.

Kaugnay nito ay inaasahang makakahiram ng hanggang 1.6-miyong piso ang bawat tsuper depende sa uri ng maaprubahang unit kung saan P80,000 rito ang sasagutin ng gobyerno habang ang balanse ay kanilang babayaran sa loob ng pitong taon.

Sisimulan ng pamahalaan ang pagbibigay ng sudsidiya sa 250 jeepney sa tatlong pilot areas kasama na ang Senate Employees Transport Service Cooperative Inc., Taguig Transport Service Cooperative at Pateros-Fort Bonifacio Transport Service Multipurpose Cooperative na pumasa kwalipikasong itinakda ng Landbankof the Philippines.

Kaugnay sa implementasyon ng PUV modernization program, inihayag ni Associate Professor Giovanna Fontanilla, head ng UST Public Affairs ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas para makaiwas ang mga estudyante sa matinding traffic dulot ng transport strike na isinagawa ng PCDO-ACTO sa Metro Manila bilang protesta sa PUV modernization.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si, hinihikayat ni Pope Francis ang bawat mananampalataya na huwag tangkilikin ang mga pampublikong sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok na pangunahing sanhi ng polusyon sa hangin at pagbabago ng klima sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,301 total views

 41,301 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 84,909 total views

 84,909 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,623 total views

 168,623 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 182,717 total views

 182,717 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 40,197 total views

 40,197 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 248,196 total views

 248,196 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top