185 total views
Nilinaw ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na hindi matatapos sa 2019 ang benepisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Taguiwalo, matatapos lamang ay ang partnership ng ahensiya sa Asian Development Bank subalit titiyakin ng D-S-W-D na hindi ito makakaapekto sa natatanggap na benepisyo ng mga mahihirap na pamilya.
Kaugnay dito, sinabi ni Taguiwalo na patuloy ang ginagawang pagsusuri ng ahensya sa implementasyon ng 4P’s sa pamamagitan ng programa nitong “Kumustahan”.
Paliwanag ng kalihim, bahagi rin ng layunin ng programang “kumustahan” na pag-aralan kung paano mapapalawak ng ahensya ang social protection framework ng pamahalaan.
“We have no plans to discontinue the 4Ps by 2019, but the program itself continues to be subject to review and improvements. For instance, one of the more important assessment points concerns the general membership of the program and how large the percentage of it actually qualify for the program in terms of their poverty levels and the needs of their families. We are assessing the program based on the experiences of inclusion/exclusion. We also want to impose protective measures that will safeguard the program from the political influence at the community and local government level,” bahagi ng pahayag ng kalihim.
Sa kasalukuyan mayroong mahigit 1.5milyong benepisyaryo ang Padtawid Pamilyang Pilipino Program.
Ipinapaalala naman ng ilang mga Obsipo na bagamat mayroong ibinibigay na tulong ang pamahalaan ay mahalagang matuto paring tumayo sa sariling mga paa ang bawat tao at huwag maging tamad at umasa na lamang sa ipinagkakaloob na tulong ng pamahalaan.
Halimbawa ng hindi “dole-out” na programa para sa mahihirap ang programa ng Caritas Manila na “Segunda Mana, Caritas Margins, Caritas et Labora at YSLEEP na tinuturuan ang mga urban poor families kung paano makakatayo sa sariling mga paa.
Read: Segunda Mana charity outlet, binuksan sa Fairview Terraces Mall
Produktong gawa ng urban poor families at bilanggo, mabibili sa Buy and Give Expo