Pag-ulan sa UAE, grasya ng langit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total views

Basbas ng langit ang pag-ulan sa kasabay ng pagdalaw ni Pope Francis sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

Ayon kay Charice Datu-Arbolado, isang Overseas Filipino Worker, dalawang araw ng umuulan sa kanilang lugar na hindi karaniwan sa disyerto.

“Bihira umulan dito. Pero kahapon pa nag-uuulan hanggang ngayon. Pagdating niya umuulan sabi nga sign of blessing,” ayon kay Arbolado sa panayam ng Radio Veritas.

Si Arbolado ay 12-taon ng nagtatrabaho sa Abu Dhabi, at dating researcher ng Radio Veritas.

Isa si Arbolado sa matiyagang pumila para magkaroon ng access pass sa misang pangungunahan ni Pope Francis na gaganapin sa Abu Dhabi’s Zayed Sports City sa ika-5 ng Pebrero.

“Sakripisyo din. Pero kaya naman. Wala nga lang tulugan. May mga bus kasi naka-assign kada simbahan. Hindi advisable na magdala ng sasakyan kaya magprovide ang government ng mga bus,” dagdag pa niya.

Ayon kay Arbolado sa ika-5 ng Pebrero ay aalis ang bus papuntang Abu Dhabi ala-1 ng madaling araw at darating ng alas-4 ng umaga para sa misa na magsisimula ng alas-10 ng umaga.

Inanunsyo rin ng pamahalaan ng UAE na isang ‘holiday’ ang pagdiriwang sa mga dadalo sa misa.

Sa ulat, bago pa man ang nakatakdang misa ay naubos na ang access pass para sa dadalo sa misa na umaabot sa 135,000.

Tinatayang may higit sa isang milyon ang mga katoliko na nasasakop sa Apostolic Vicariate of Southern Arabia kabilang na ang mga mananampalataya sa UAE, Oman at Yemen kung saan mayorya ang mga Muslim.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng pinuno ng simbahang katolika sa Arabian Peninsula na mayorya ng mamamayan ay pawang mga Muslim.

Tema ng apostolic visit ni Pope Francis ang ‘Make me a Channel of your Peace’ na nagsisilbi ring ika-27 apostolic trip ni Pope Francis mula ng maging Santo Papa noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 87,855 total views

 87,855 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 87,855 total views

 87,855 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 87,855 total views

 87,855 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,199 total views

 85,199 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 77,799 total views

 77,799 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top