Mga layko, kailangan ng magsalita at manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total views

Ang mga layko ang dapat na magsilbing unang tagapagtanggol ng Simbahan at ng pananampalatayang Katoliko.

Ito ang panawagan ni Dra. Marita Wasan – Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas kaugnay sa mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga layko bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Wasan na mahalaga ang pagsasalita at paninindigan ng mga layko lalo’t higit ng mga Obispo at mga lider ng Simbahan upang magabayan ang mga mananamapalataya sa tamang gagawin.

Inihayag ni Wasan na dapat maunawaan ng bawat isa ang paghingi ng paumanhin ng mga Obispo dahil sa kanilang pahayag laban sa mga nagaganap na karahasan at kaguluhan sa lipunan na kinakailangan munang idaan sa mahabang panahon ng pananalangin at pagninilay.

“Dapat tayong mga layko ang dapat na nagsasalita at yun ang aming ginagawa at hanggang maari sana ay sa lahat ng parokya, sa lahat ng diyosesis, sa lahat ng mga Katoliko na nararamdaman kung gaano kahirap mula sa ating mga Obispo ang pagkukundisyon ng kanilang kaisipan dahil sa nangyayari, we need to pray tama sila kailangan natin ng panalanging mataimtim para mas magabayan tayo…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan ng pakikiisa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas (SLP) para sa nakatakdang Walk for Life na layuning isulong ang kahalagahan ng buhay kasabay ng paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat isa.

Nakatakda ang Walk for Life sa ika-16 ng Pebrero sa Quezon City Memorial Circle na magsisimula ganap na alas-4 ng madaling araw na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Isasagawa din ang Walk for Life sa Tarlac, Lingayen – Dagupan, Cebu, Cagayan de Oro at Palo.

Inaasahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na aabot sa 10,000 ang mga makikiisa sa nakatakdang Walk For Life mula sa iba’t ibang Lay organization, mga paaralan, unibersidad, religious congregations at mga kalapit na diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 16,874 total views

 16,874 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 91,488 total views

 91,488 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 171,567 total views

 171,567 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 214,706 total views

 214,706 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 214,765 total views

 214,765 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top