VeritasPH

The Word, The Truth

 332 total views

Homiliya para sa ika-13 ng Marso, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, Luk 9:28b-36

Ang ebanghelyo sa ikalawang Linggo ng Kuwaresma ay laging tungkol sa PAGBABAGONG-ANYO ni Hesus. Pero para sa ating reflection ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa konteksto ng PAGBABAGONG-ANYO—ang pakikipag-usap. Pag-uusap na nakapagbabagong-anyo.

Nasa tatlong ebanghelyo ang kuwentong ito, pero si San Lukas lang ang nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa sitwasyon o konteksto ng pagbabagong-anyo. Umakyat daw sa bundok si Hesus para manalangin. At habang nananalangin siya, nagbago ang anyo niya.

Madalas ilarawan ng mga ebanghelista ang pananalangin bilang mga okasyon ng pagdidili-dili para kay Hesus. Di nga ba’t ito ang mga pagkakataon na lumalayo siya sa maraming tao para makapag-isa? Pero sa totoo lang, ang mga sandaling ito ng pag-iisa ay mga sandali rin ng pinakamatinding pakikipag-usap ni Hesus, mga sandaling hindi siya nag-iisa. Sino ang kausap niya? Sa mata ng tagapanood—sarili lang niya ang kausap niya. Monologue ang tawag ng iba sa ganyan—pakikipag-usap sa sarili. Ganoon ba ang panalangin? Hindi.

May kausap talaga siya. At ito daw ang nasaksihan ng tatlong alagad—Pedro, Santiago at Juan. Ang unang nakita nilang kausap niya ay dalawang tao: si Moises at Elias, mga karakter ng Bibliya, kumakatawan para sa dalawang bahagi ng Banal na Kasulatan: si Moises, para sa Torah o Aklat ng Batas, at si Elias naman para sa Nebi’im o aklat ng mga Propeta. Pati ang topic ng pag-uusap nila ay mukhang narinig ng tatlong alagad—ang topic daw ay ang kanyang “eksodo” na magaganap sa Jerusalem.

May isang yugto na nakakatawa sa eksena, lalo na noong nakisawsaw sa usapan itong tatlong alagad sa pag-uusap ng tatlo: Hesus, Moises at Elias. Kung EKSODO ang pinag-uusapan nila, ano pa ang ibig sabihin nito kundi pag-alis o paglisan? Sabi siguro ng tatlong alagad, “Aalis na ba siya? Iiwan na ba tayo? Sinusundo na ba siya nitong dalawa?” Kaya biglang sumabat si Pedro sa usapan—“Guro, mabuti na lang narito rin kami. Kayo rin, dito lang muna kayo. Ipagtatayo namin kayo ng kubol, tig-iisa kayo.” Sa madaling salita, gusto nilang pigilan ang pag-uusap. Ang intindi nila, kinukuha na siya. Please po, huwag muna. Ayaw namin ang pag-uusap na iyan. Magkanya-kanya na muna tayo. Respetuhin na lang natin ang isa’t isa.

Sa sandaling iyon daw, habang nagsasalita si San Pedro, natakpan sila ng ulap. Biglang napalitan ng dilim ang liwanag na kanina lang ay naaaninaw nila. Pero may narinig silang tinig sa gitna ng kadiliman—ang tinig ng tunay na kausap ni Hesus, ang Diyos Ama. At may payo ang ama sa kanila kung ibig din nilang maranasan ang isang pakikipag-usap na makabuluhan at na nagpapabago sa ating pagkatao: MAKINIG MUNA.

Maraming klaseng pag-uusap. At alam natin na hindi lahat ng pag-uusap ay nagbibigay liwanag, o nakapagbabagong anyo. Minsan, ang pag-uusap natin ay walang katuturan, lalo na kung ito’y hindi nakabase sa katotohanan. Di ba may kasabihan tayo, “Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili?” Ang pag-uusap ng mga tao ay pwedeng mauwi sa tsismisan lang o sa nakaaaliw na pantasya. Kung minsan ang simpleng bidahan ay pwedeng mauwi sa kantiyawan. May mga usap-lasing na nauuwi sa barilan o saksakan. Sa amin sa Pampanga, ang salita para sa “AWAY” ay “PATE” na ang literal na kahulugan ay PAGPATAY. Advanced talaga kaming mga Kapampangan—away pa lang, patayan na. Siguro dahil alam namin na ang madalas na pagmulan ng patayan ay mga usap-usapang walang katuturan, na nauuwi sa pagtatalo, hinanakitan, hidwaan.

Kapag wala nang katuturan ang pag-uusap, talagang kailangan muna itong putulin, katulad ng ginawa ng Ama sa salita ni Pedro. Minsan kasi kailangan muna talagang lumayo at magdili-dili, para makapasok tayo sa mas malalim na pakikipag-usap, hindi sa sarili kundi sa Diyos. At kung minsan, nakakatulong sa pagbibigay-liwanag sa kalooban ng Diyos ang sinasabi ng Bibliya, o Banal na Kasulatan, ang sinasabi nina Moises at Elias, katulad ng ginagawa natin ngayon mismo.

Kung minsan may mga bagay na dahil ayaw pag-usapan ng kausap mo. Mga topic na kapag binuksan mo, ang sagot ay katahimikan. Ibig sabihin, dinedma ka. Katahimikan na ang ibig sabihin ay: “Ayokong ngang pag-usapan iyan.” Sa Ingles ang tawag sa ganyang mga topic ay CONVERSATION STOPPERS. At sabi nila sa maraming mga Pilipino ngayon, ang pulitika ay isang “conversation stopper.” Katulad ng ginawa ni San Pedro, sa pakikipag-usap ni Hesus kina Moises at Elias, ang suggestion ay, “Tama na iyan. Magkanya-kanyang kubol na lang kayo, kaysa magkalayo-layo tayo ng kalooban.”

Parang tama, pero mali. May advice ang tinig mula sa likod ng ulap ng kadiliman: tinig ng Ama na nagsasabing, “Makinig muna, bago magsalita.” Ito rin ang madalas ipaalala ni Pope Francis tungkol sa diwa ng SYNODALITY, ng pakikilakbay. Kung ibig natin pumasok sa mabuting pag-uusap, kung ibig natin ang pakikipag-usap natin ay maging makabuluhan, malaman, at nakapagbabago, MAKINIG MUNA, BAGO MAGSALITA.

Ito ang dahilan kung bakit sinasabi naming mga obispo na hindi dapat iwasan ang pulitika sa ating pag-uusap. Bahagi ito ng ating buhay panlipunan. Kung ayaw nating mauwi ang pulitika sa masamang uri ng pulitika, kung ibig natin magbago ang anyo ng pulitika sa ating bansa, importante ang mag-usap-usap tungkol dito, humingi ng liwanag ng pananampalataya kina Moises at Elias, makipag-usap sa nakatatanda. Kung ibig natin na ang kahahantungan nito ay EKSODO o paglaya, kung ibig natin na mapatingkad nito ang ningning ng ating pagiging mga Pilipino—kailangan matutong tayong makipag-usap nang mabuti. Pero bago makipag-usap, makinig. Makinig nang may bukas na kalooban, may kahandaang magsiyasat, magsuri, hanggang ating maaninaw ang kalooban ng Diyos. Dahil siya lang ang mag-aangat sa ating pagkatao, magpapabago sa ating anyo at sa kinabukasan ng ating bayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,800 total views

 11,800 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,785 total views

 19,785 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,321 total views

 27,321 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,306 total views

 43,306 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,350 total views

 51,350 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 363 total views

 363 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,118 total views

 3,118 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,533 total views

 7,533 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,859 total views

 2,859 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,382 total views

 3,382 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,881 total views

 4,881 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,725 total views

 5,725 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,980 total views

 3,980 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,193 total views

 8,193 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,426 total views

 7,426 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,636 total views

 11,636 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,084 total views

 5,084 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,088 total views

 5,088 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,088 total views

 5,088 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,080 total views

 5,080 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top