Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

 74,778 total views

Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo sa rehiyon kung saan nakatakdang magsagawa ng vigil at wake masses hanggang sa ika-29 ng Oktubre, 2024 ang mga parokya, seminaryo, catholic schools, diocesan institutions at mga religious organization para sa dating Obispo.
Inaasahang pansamantalang ilalagak ang mga labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon Cathedral kung saan una ng nakatakda ang pagsasagawa ng Eulogy para sa dating Obispo sa ika-29 ng Oktubre, 2024 habang nakatakda naman sa ika-30 ng Oktubre, 2024 ang paghahatid sa huling hantunangan kay Bishop Bastes sa pamamagitan ng isang Solemn Concelebrated Mass na inaasahang pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown katuwang si Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo at iba pang mga lingkod ng Simbahan ng diyosesis na nagnanais na magbigay pugay sa dating punong pastol sa huling pagkakataon.
Nagsilbing punong pastol ng Diyosesis ng Sorsogon si Bishop Bastes sa loob ng 16 na taon mula ng maitalaga sa diyosesis noong April 16, 2003 hanggang sa magretiro noong October 15, 2019.
Si Bishop Bastes ay nagsilbi rin bilang dating chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission na nangangasiwa sa pagtiyak ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagiging misyonero ng ebanghelyo lalo’t higit sa malalayo at liblib na mga lugar.
Pumanaw ang 80-taong gulang na si Bishop Bastes ganap na alas-sais ng umaga noong ika-20 ng Oktubre, 2024 kasabay ng paggunita ng World Mission Sunday 2024.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,039 total views

 34,039 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,169 total views

 45,169 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,530 total views

 70,530 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,919 total views

 80,919 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,770 total views

 101,770 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,619 total views

 5,619 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,620 total views

 5,620 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top