Maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,096 total reads

Nanawagan si San Juan Lone District Representative Ysabel Maria Zamora, miyembro ng House Prosecution Panel, sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Zamora na mahalagang personal na subaybayan ang mga pagdinig upang makita ang mga ebidensyang inihaharap ng magkabilang panig.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi lamang dapat umasa sa mga balitang nababasa o napapanood lalo na sa social media sa halip ay subaybayan mismo ng taumbayan ang kabuuan ng proseso upang magkaroon ng patas na pag-unawa sa mga argumento ng prosekusyon at depensa.

“Sa mga mainstream media at sa social media, sana po ay maging mapanuri tayong lahat sa mga balitang lumalabas tungkol sa impeachment. Panoorin po natin kung ano talaga ang nangyayari upang makita natin ang dalawang panig.

Hindi ko po ito sinasabi dahil bahagi ako ng prosecution panel, kundi upang makita ng publiko ang ebidensyang inilalahad ng prosecution at ang depensa ng kabilang panig,” Bahagi ng pahayag ni Zamora.

Iginiit din ng kongresista na malinaw sa Senate Rules on Impeachment Trials na ang lahat ng kalahok sa paglilitis, kabilang ang mga Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay inaasahang magpakita ng pagiging patas at walang kinikilingan sa buong proseso.

Ayon kay Zamora, nararapat lamang na iwasan ng mga Senator-Judges ang anumang kilos o pahayag na maaaring magbigay ng impresyong may nauna na silang pasya bago pa man marinig ang lahat ng ebidensya.

“Nakalagay mismo sa Senate rules na ang mga partido, kabilang ang Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay dapat magpakita ng impartiality. Huwag naman po nilang ipakita ang malinaw na bias, sapagkat sila ang mga hukom sa paglilitis. Ang hinihingi lamang natin ay maging bukas silang pakinggan ang magkabilang panig at timbangin ang lahat ng ebidensya bago magpasya,” dagdag ni Zamora.

Patuloy namang hinihikayat ng House Prosecution Panel ang publiko na maging mapanuri at nakabatay sa katotohanan ang paghusga sa nagpapatuloy na impeachment proceedings bilang bahagi ng demokratikong proseso ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Puspusan namang isinusulong ng Simbahang Katolika na pairalin ang katotohanan, katarungan, at paglilingkod sa bawat mamamayan bilang pundasyon ng tunay na kabutihang panlahat o ng common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,035 total reads

 23,035 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,510 total reads

 108,510 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 145,883 total reads

 145,883 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,142 total reads

 177,142 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 248,975 total reads

 248,975 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,132 total reads

 33,132 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top