Nawasak na bakod ng St. Vincent Ferrer Church, naitayong muli sa tulong ng Good Samaritans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,274 total reads

Naitayong muli ang bagong bakod ng Diocesan Shrine and Parish of St. Vincent Ferrer sa Tabaco City, Albay, isang linggo matapos itong masira nang bungguin ng isang truck na nawalan umano ng preno noong ika-6 ng Hulyo, 2026.

Sa inilabas na pahayag ng parokya, itinuring nitong patunay ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa, at pagtutulungan ng komunidad ang mabilis na pagpapanumbalik ng bakod ng Simbahan.

Ayon sa parokya, higit pa sa pagkukumpuni ng isang istruktura ang naging bunga ng pangyayari, sapagkat ipinakita nito na sa kabila ng mga pagsubok ay kayang muling bumangon ng sambayanang nagkakaisa sa pananampalataya.

“Just about a week ago, our newly built church fence was severely damaged after a truck accidentally crashed into it. Today, by God’s grace and through the dedication of many helping hands, it has been rebuilt, restored, and freshly repainted. This transformation is more than the repair of a structure—it is a reminder that challenges may leave their mark, but faith, unity, and perseverance always help us rebuild stronger.” Bahagi ng pahayag ng pamunuan ng dambana.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Simbahan sa lahat ng naglaan ng oras, lakas, at tulong upang maisakatuparan ang agarang rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng bakod.
Umaasa ang parokya na magsisilbing sagisag ng pag-asa, proteksyon, at sama-samang pangangalaga sa tahanan ng Diyos ang naibalik na bakod ng St. Vincent Ferrer Parish.

“Our heartfelt thanks to everyone who extended their time, effort, and support in making this restoration possible. May this renewed fence continue to stand as a symbol of hope, protection, and our shared commitment to caring for God’s house.”
Dagdag pa ng dambana.

Una ng nagpahayag ng nagpasalamat ang Simbahan sa Diyos sa Kanyang patuloy na pag-iingat, sapagkat walang nasawi o nasugatan sa kabila ng mapanganib na insidente lalo na’t malapit ang dambana sa isang paaralan at pampublikong pamilihan.

Hinimok din ng parokya ang mga mananampalataya na gawing paalala ang pangyayaring ito na ang bawat pagsubok ay maaaring mapagtagumpayan sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa.

Dalangin din ng Diocesan Shrine and Parish of St. Vincent Ferrer na sa pamamagitan ng panalangin ni San Vicente Ferrer ay patuloy na ingatan ng Panginoon ang buong pamayanan at ang lahat ng dumadalaw sa banal na lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,061 total reads

 23,061 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,535 total reads

 108,535 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 145,908 total reads

 145,908 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,167 total reads

 177,167 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 249,000 total reads

 249,000 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,137 total reads

 33,137 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top