Pagpatay sa American marine biologist, kinundena ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,197 total reads

Mariing kinondena ng Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) ang pagpaslang sa kilalang American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter, na naglaan ng mahigit limang dekada ng kanyang buhay sa pananaliksik at pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Ayon sa PMPI, malaking kawalan sa pandaigdigang komunidad ng agham at sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan ang pagpanaw ni Carpenter.

“We vehemently condemn this heinous and senseless act of violence against a defenseless individual who dedicated his life to the service of science and the protection of our natural world,” pahayag ng PMPI.

Binawian ng buhay ang 73-anyos na siyentista matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tahanan sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Oriental dakong alas-11:30 ng gabi noong July 12.

Batay sa ulat ng pulisya, binaril si Carpenter ng mga suspek bago tumakas ang mga ito, dahilan upang bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group “SITG Carpenter” upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa krimen.

Kinilala si Carpenter bilang Professor Emeritus ng Old Dominion University at adjunct professor ng Silliman University. Siya ang siyentistang nagpakilala sa Verde Island Passage bilang “Center of Marine Shore Fish Biodiversity” sa buong mundo at ginamit ang kanyang pananaliksik upang isulong ang pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng PMPI na bagama’t hindi isinilang sa Pilipinas si Carpenter, inialay naman nito ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pangangalaga ng yamang-dagat ng bansa at pagtatanggol sa kalikasan.

“His legacy will continue to inspire all who champion the rights of nature, especially the rights of our oceans,” pahayag pa ng PMPI.

Umaasa rin ang organisasyon sa mabilis, masusi at malinaw na imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen at maibigay ang katarungan sa isang siyentistang nag-iwan ng mahalagang ambag sa pangangalaga ng biodiversity ng Pilipinas.

Nauna nang nagpahayag ng pakikiramay ang Protect Verde Island Passage (Protect VIP) campaign network, na kinilala ang malaking ambag ni Carpenter sa pagkilala ng Verde Island Passage sa buong mundo at nanawagan ng masusing imbestigasyon, katarungan, at higit na proteksyon para sa mga environmental defender.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,218 total reads

 8,218 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,806 total reads

 47,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,118 total reads

 83,118 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,387 total reads

 309,387 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,261 total reads

 202,261 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,270 total reads

 152,270 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top