Relikya ni San Tarcisius, mag-iikot sa 74 na parokya sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,621 total reads

Umaasa ang pamunuan ng Relic Tour of St. Tarcisius of Rome na mas maraming kabataan ang mahihikayat na maging mga sakristan at aktibong makibahagi sa buhay ng Simbahan sa pagsisimula ng pag-iikot ng banal na relikya sa 74 na mga parokya sa Pilipinas mula Agosto 21 hanggang Nobyembre 22, 2026.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Bryan James Turiaga, Overall Committee Chairman ng Relic Tour, na malaking hamon sa maraming parokya ang kakulangan ng mga batang nagsisilbi sa altar.

Pagbabahagi ni Turiaga, napatunayan sa mga nakalipas nilang pag-iikot sa iba’t ibang mga parokya na epektibong inspirasyon ang pagpapakilala sa buhay ni San Tarcisius upang makahikayat ang mga kabataan upang magsimulang maglingkod sa Simbahan.

“Karamihan ang sakit at crisis ng ibang parokya ay kakulangan sa mga batang naglilingkod, minsan ang sakristan lang nila nasa 20, nasa 30 pero nung nagsimula ang relic tour kung saan dinadala natin yung batang martir nagkakaroon ng curiosity yung mga bata, yung mga magulang ng mga bata na ‘sino ba yan? Sino ba itong sakristan na ito?’ So kapag nalaman nila yung kwento through relic tour committee, nai-engganyo silang maglingkod. So nakakapagbigay po tayo ng mas maraming bokasyon sa paglilingkod, sa pagiging sakristan sa ating Simbahan,” pahayag ni Turiaga.

Ipinaliwanag ni Turiaga na layunin ng relic tour na ipakilala sa mga kabataan ang halimbawa ni San Tarcisius, ang batang martir na nag-alay ng kanyang buhay sa pagtatanggol sa Banal na Eukaristiya, upang magsilbing huwaran ng pananampalataya, katapatan, at paglilingkod.

Inaasahan ng mga tagapag-organisa na bukod sa pagpapalalim ng debosyon sa Eukaristiya, magsisilbi rin ang pagdalaw ng relikya bilang daan upang mahubog ang bagong henerasyon ng mga altar servers at iba pang kabataang handang maglingkod sa Simbahan.

Si San Tarcisius ay isang batang Kristiyano sa Roma noong ikatlong siglo, sa panahon ng matinding pag-uusig.

Bilang acolyte itinalaga siya upang magdala ng Banal na Eukaristiya para sa mga bilanggong Kristiyano ngunit tumangging ipakita sa mga pagano ang kanyang dala, dahilan upang siya ay bugbugin hanggang mamatay.

Dahil sa kanyang sakripisyo, siya ay kinilalang martir at ngayo’y patron ng mga sakristan at altar servers, na isang huwaran ng tapang, pananampalataya, at pagmamahal kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,229 total reads

 8,229 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,818 total reads

 47,817 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,129 total reads

 83,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,398 total reads

 309,398 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,272 total reads

 202,272 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top