Pag-uwi sa Pilipinas, ipinaubaya na ni PBBM sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran

SHARE THE TRUTH

 1,801 total views

Ipinapaubaya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran ang pagpapasya kung nais na nilang umuwi ng Pilipinas dulot ng rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala pa siyang nakikitang pangangailangan para sa mandatory repatriation o sapilitang pagpapauwi ng mga Pilipino mula sa Israel at Iran.

“We of course are watching our nationals both in Israel and in Iran and as a matter of fact, we have already contacted all our nationals and asked them if they want to be evacuated,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo, nasa desisyon ng mga Pilipino at sa kanilang pamilya sa mga nabanggit na bansa kung nais na nilang umuwi sa Pilipinas at ligtas pa para manatili.

Tiniyak ng Pangulo na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel at Iran, kung saan may ilan na rin ang nagpahiwatig na nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa pangambang maipit sa digmaan.

Sinabi naman ng punong ehekutibo na isa sa mga problema sa ngayon ay ang pagsasara ng ilang paliparan. Dahil dito, naghahanap na sila ng ibang ruta para makauwi ang mga Pilipino.

“But we have been able to do that and the first batch, in fact Secretary Cacdac is already on his way to Jordan para ma-coordinate both the evacuees from Israel and evacuees from Iran,” ayon pa sa punong ehekutibo.

Dagdag ni Marcos, patungo na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa Jordan upang ayusin ang paglikas ng mga kababayan nating nasa Israel at Iran
Epekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ng krudo.

“Well, again, we are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So the prices will certainly be affected,” ayon pa kay Marcos.

Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng Langis, sinabi ng Pangulo na pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang pagbibigay ng fuel subsidy, lalong lalo na sa mga namamasada at higit na apektadong sektor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 4,907 total views

 4,907 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 22,320 total views

 22,320 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 36,964 total views

 36,964 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 51,213 total views

 51,213 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 66,979 total views

 66,979 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top