Pagbaba ng moralidad ng tao, dahilan ng tumataas na kaso ng HIV-AIDS

SHARE THE TRUTH

 377 total views

Naninindigan ang isang Pari na hindi nagkukulang sa pagpapaalala ang Simbahan sa pagtataguyod ng dignidad at moralidad ng tao.

Ito ay kasunod ng dumaraming bilang ng bagong kaso ng HIV sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Father Norman Peña, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Culture, normal sa kultura ng mga Filipino ang pagiging konserbatibo at ang pagkakaroon ng mataas na moralidad dahil sa pagiging isang Kristiyanong bansa ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi ng Pari na dahil sa nagbabagong impluwensya ng lipunan ay kapansin-pansin ang pagbaba ng moralidad dahil sa pagiging agresibo ng mga kabataan sa paggawa ng sekswal na aktibidad.

“Sa Pilipinas as a culture, mataas ang morality natin kasi nga Catholic tayo, pero ang mababa ay yung observance ng morality, yun ang kailangan din natin i-distiguish kasi in reality tayo din in Sense of Observance hindi natin natutuunan ng pansin. Ang dami nating inaalala maraming mga problema so siguro ganun even the young people, parang naiimpluwensyahan because of that yung mga nakikita nila around, na iimpluwensyahan yung observance nila ng morality.” pahayag ni Father Peña sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Father Peña na hindi tumitigil sa pangangaral at pagpapaalala ang buong Simbahang Katolika sa tamang pagtataguyod ng dignidad at moralidad ng isang tao.

Gayunman, sinabi nito na kinakailangan pa rin mabantayan at magabayan mula sa tahanan ang moral values ng isang kabataan.

Nilinaw ng Pari na sa kabila ng mga paalala at aral na ibinabahagi ng Simbahan sa mamamayan ay mayroon pa ring sariling pagpapasya.

Iginiit ng Pari na ito ang isa sa mga salik ng kultura ng isang tao na hindi masasaklawan o maaaring kontrolin ng simbahan.

“Ang Simbahan ay patuloy namang nag papaalala, kaya yun talagang personal responsibilities ng mga mas malapit, for example yung mga magulang, mas mababantayan, masusubaybayan yung kanilang mga anak kung ano talaga yung dapat mas pahalagahan nila yun siguro yung kulang. At the end of it all, ang simbahan is hindi pa rin nya makokontrol talaga yung lahat na dapat gusto ng tao. Ipinapaalala ng simbahan lagi kung ano yung sinasabi ng Diyos kung ano yung makaka improve ng dignidad ng persons pero in the end, yun pa ring tao [ang magdedesisyon], yun siguro yung mahirap talagang minsan pag-isipan.” Dagdag pa ng Pari

Batay sa pinaka huling datos ng Department of Health, nito lamang Agosto 2018 ay nakapagtala ang ahensya ng 1,047 bagong kaso ng HIV.

Sa loob din ng buwang ito, umabot sa 159 ang naiulat na namatay dahil sa karamdaman.

96 na porsyento dito, na katumbas ng 153 indibidwal ay mga kalalakihan.

Nakasaad din sa ulat ng ahensya na nangunguna pa ring dahilan ng pagkalat ng sakit ay ang sexual contact sa may 1,022 naitalang kaso, habang natukoy naman na ang pag-gamit o pag-inject ng drugs ang dahilan ng pagkahawa ng 17 kaso ng HIV.

Taong 1984 nang unang madiskubre ang HIV/AIDS, at simula noon hanggang sa kasalukuyan mahigit na sa 58-libo ang mga kumpirmadong kaso ng HIV ang naiulat sa Pilipinas.

Sang-ayon sa Compendium of the Catechism of the Catholic Church, ang pagpipigil sa sarili ay isang mahalagang salik upang mapanatili ng isang indibidwal ang kadalisayan ng kaniyang pagkatao.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,222 total views

 37,222 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 42,640 total views

 42,640 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 49,347 total views

 49,347 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 64,141 total views

 64,141 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 70,297 total views

 70,297 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 30,329 total views

 30,329 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 30,112 total views

 30,112 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 30,107 total views

 30,107 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 124,368 total views

 124,368 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 124,320 total views

 124,320 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 30,280 total views

 30,280 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 30,179 total views

 30,179 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 116,263 total views

 116,263 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 30,004 total views

 30,004 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 25,102 total views

 25,102 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 22,951 total views

 22,951 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 22,966 total views

 22,966 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 22,942 total views

 22,942 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 22,978 total views

 22,978 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 22,895 total views

 22,895 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top