Pagbabalik-loob, pagpapaloob sa kalooban ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 370 total views

“Kalooban ng Diyos.”  Ito ang sa tuwina palagi nating inaalam sapagkat batid nating ito ang pinakamabuti para sa atin.  Subalit kadalasan tayo ay nabibigo, naguguluhan kung ano ang kalooban ng Diyos dahil madalas akala natin para itong tanong na isang pindot ay malalaman kaagad ang sagot tulad ng sa Google.

Kauna-unahang hinihingi sa atin upang mabatid ang kalooban ng Diyos ang tayo muna ay “pumaloob sa Diyos” na ibig sabihi’y dapat nasa loob tayo ng Diyos. Kung ikaw ay nasa labas ng Diyos, tiyak ikaw ay lumayo sa Kanya dahil sa kasalanan; kaya, pagbabalik-loob sa Kanya ang kinakailangan.

Ibig kong simulan dito ang pagninilay sa Kapistahan ng Pagbabagong-buhay ni San Pablo Apostol na ating ipinagdiriwang sa araw na ito. Ito ang upisyal na salin mula sa Inggles ng “Feast of the Conversion of St. Paul the Apostle” na tila may kulang.

Ganito kasi iyon: Tama rin namang sabihing “pagbabagong-buhay” dahil bawat conversion wika nga ay pagbabago tulad ng na-convert sa ibang relihiyon o sa ibang anyo o gamit. Ngunit sa bawat pagbabago, mayroong higit na malalim na nababago na hindi namang ibig sabihin ay nag-iiba o nagiging different.

Kasi iyong sinasabing conversion ni San Pablo o ng sino pa mang tao ay hindi naman pagbabago ng pagkatao kung tutuusin; sa bawat conversion ng isang makasalanan o masamang tao, hindi naman nababago yaong tao talaga kungdi kanyang puso na siyang naroon sa kanyang kalooban.

Ibig bang sabihin ang pagbabagong buhay ay yaong dating masayahin o palatawa magiging malungkutin o iyakin? Yaong dating mapusok at malakas ang loob magiging duwag? O yaong pagbigla-bigla at padaskol-daskol ay magiging makupad at mabagal sa pagdedesisyon?

Sa pagbabagong-buhay ng sino man tulad ni San Pablo, hindi nababago ang pagkatao: mapusok pa rin si San Pablo, palaban at matapang nang tawagin at sumunod kay Kristo. Hindi naman nabago kanyang karakter pero nabago kanyang puso na nahilig sa kalooban ng Diyos pagkaraan. Iyong kanyang dating kapusukan at katapangan sa pag-uusig ng mga Kristiyano ay nalihis naman sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ni Hesus sa mga Hentil at kapwa niya Judio.

Kaya naman higit na malalim at makahulugang isalin ang conversion ng sino man sa katagang “pagbabalik-loob”. Bawat nagkakasala ay lumalayo ang loob mula sa Diyos na ibig sabihin ay “ayaw sa Diyos” gaya ng ating pakahulugan tuwing sinasabing “malayo ang loob”.

Kapag nagsisi at tumalikod sa kasalanan ang isang tao, hindi lamang siya nagbabagong-buhay o nag-iiba ng pamumuhay kungdi higit sa lahat, siya ay “nagbabalik-loob” sa Diyos. Tatlong bagay ang itinuturo sa ating ni San Pablo sa kanyang karanasan ng pagbabalik-loob sa Diyos.

Larawan mula sa en.wikipedia.org ni San Pablo sa harapan ng Basilica ni San Pablo sa Roma, Italya.

Una, bawat pagbabalik-loob ay isang personal na pagtawag at paanyaya mula sa Panginoong Hesus.  Batay sa salaysay ni San Pablo, “Nasubasob ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig sa akin, ‘Saulo, Saulo!’”(Gawa 22:7).

Araw-araw inaanyayahan tayo ni Hesus na magbalik-loob sa Kanya.

Iyong mabatid lamang natin sa ating kalooban na mali ang ating ginagawa o kaya tayo ay kabahan at matakot sa isang masamang gawain, iyon na ang tinig ni Hesus na tumatawag sa atin katulad kay San Pablo.

Huwag na nating hintayin pa ang isang “dramatic” o “bonggang” pagkakataon wika nga upang pakinggan ang tawag ng Panginoon katulad nang mahulog sa kanyang kabayo si San Pablo.  Hindi ibig ng Diyos na sumadsad pa ang ating buhay sa kasamaan at mawala na ang lahat ng pagkakataong makabalik pa sa Kanya.

Ikalawa, madalas kapag tayo tinawag ng Diyos na magbalik-loob sa Kanya ay hindi kaagad maliwanag ang lahat sa atin kaya kailangan natin ng taga-akay: “Nabulag ako dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya’t ako’y inakay na lamang ng mga kasama ko papasok sa Damaso” (Gawa 22:11).

Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.

At hindi lamang basta taga-akay ang kailangan natin sa bawat pagbabalik-loob kungdi isang mahusay na gabay katulad ni Ananias na “isang taong may takot sa Diyos, tumutupad sa Kautusan, at iginagalang ng mga Judiong naninirahan sa Damasco” (Gawa 22:12).

Si Ananias ang ginamit ng Diyos upang mapagaling ang pagkabulag ni San Pablo at malahad sa kanya ang kalooban ng Diyos na mapalaganap ang Mabuting Balita.

Ang mahusay na gabay ay yaong pumapawi at nagpapagaling sa ating mga pagkabulag sa katotohanan ng Diyos sa buhay na ito. Wika mismo ni Hesus, maaring bang maging taga-akay ng mga bulag ang isa pang kapwa bulag?

Magkaroon ng isang mabuting taga-akay o spiritual director na hindi namang dapat pari o madre lamang kungdi yaong isang mabuting pastol na kalakbay at kaagapay sa ating spiritual journey.

Ikatlo, bawat tawag sa pagbabalik-loob sa Diyos ay palaging paanyayang pumasok sa isang komunyon o kaisahan kay Hesus at Kanyang pamayanan o komunidad.  Ito ang magandang bahagi ng pagtawag kay San Pablo:  nagpakilala si Jesus bilang kanyang inuusig na Kristiyano, “Saulo, Saulo!  Bakit mo ako pinag-uusig?  Ako’y si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig” (Gawa 22:7,8).

Ang totoong pagbabalik-loob o pagbabagong-buhay ay yaong hindi lamang makita ang sarili kungdi makita ang kanyang kaisahan kay Hesus at sa kapwa-tao.  Walang kabuluhan ang ano mang pagpapakabuti ng sarili na nakahiwalay sa Diyos at sa kapwa.  Hindi kabutihan kungdi kapalaluan ang walang ibang makita kungdi sarili.


Madaling sabihin ang mga bagay na ito at sadyang mahirap gawin.  Subalit kung ating susuriin ang naging buhay ni San Pablo, hindi lamang minsanang pangyayari ang magbalik-loob sa Diyos.

Isang mahabang proseso ang kanyang pinagdaanan sa kanyang pagbabalik-loob o pagbabagong-buhay; katulad natin marahil siya ma’y nagkakasala minsan-minsan sa Panginoon.

Larawan kuha ng may-akda, 2019.

Ang mahalaga ay ang patuloy niyang pagninilay at pananalangin, ang pagsisikap niyang “pumaloob sa Diyos” upang mabatid at maisakatuparan ang Kanyang Banal na Kalooban na “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita” (Mc.16:15).

Kaya, huwag manghinawa sakaling mabagal ang iyong “pagbabagong-buhay”; minsa’y akala mo lamang wala namang nababago at masama ka pa rin.

Hindi totoo iyan dahil batid ni Hesus, nakikita ni Hesus ang pagsisikap natin mula sa kaloob-looban natin hindi pa man tayo pumapaloob sa Kanya.

Ang totoo kasi, palagi namang nasa loob natin si Hesus, kahit anong pilit nating lumayo sa Kanya. Amen.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 63,981 total views

 63,981 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 67,960 total views

 67,960 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 78,852 total views

 78,852 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,294 total views

 91,294 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 102,055 total views

 102,055 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The gift of communion

 2,912 total views

 2,912 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Feast of St. Thomas, Apostle, 03 July 2024 Ephesians 2:19-22 <*{{{{>< + ><}}}}*> John 20:24-29 From the the Catholic Diocese of Little Rock, Arkansas, dolr.org. Praise and glory to You, God our Father for your gift

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When God speaks

 3,188 total views

 3,188 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 02 July 2024 Amos 3:1-8, 4:11-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:23-27 Photo by author in San Juan, La Union, 25 July 2023. Your words are weighty and

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

How to fail in marriage

 3,189 total views

 3,189 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 01 July 2024 Image from http://www.oodegr.com. Many people today see marriage in the human level, downplaying or outrightly refusing its supernatural dimension being a gift and a grace from God. What is most funny with them is how they also insist on giving weddings some semblance

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Jesus crossed seas & streets to lead us to the side of life, again & again…

 3,936 total views

 3,936 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 30 June 2024 Wisdom 1:13-15, 2:23-24 ><}}}}*> 2 Corinthians 8:7, 9, 13-15 ><}}}}*> Mark 5:21-43 August 20, 2021 frontpage photo of the Philippine Daily Inquirer at the height of COVID-19

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Gift of encouragement

 4,671 total views

 4,671 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Memorial of St. Irenaeus, Bishop & Martyr, 28 June 2024 2 Kings 25:1-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:1-4 It is the end of another week of work and studies for most of us, God our loving

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Finding God where we are, not where we would want to be

 4,670 total views

 4,670 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Cyril, Bishop & Doctor of the Church, 27 June 2024 2 Kings 24:8-17 <*((((><< + >><))))*> Matthew 7:21-29 Photo by Ms. Analyn Dela Torre, March 2024. God our loving Father, help us find

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

God in our decadent period

 4,668 total views

 4,668 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Twelfth Week of Ordinary Time, Year II, 26 June 2024 2 Kings 22:8-1`3, 23:1-3 <*((((><< + >><))))*> Matthew 7:15-20 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2024. Keep us faithful to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Getting married in time of pandemic

 4,668 total views

 4,668 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 25 June 2024 Photo by Joseph Kettaneh on Pexels.com It’s been more than four years since the breakout of the COVID-19 pandemic that threw many of us out of sync in life, especially those planning to get married during those critical years of 2020-2022. I had

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Expect the unexpected

 5,887 total views

 5,887 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Solemnity of the Birth of John the Baptist, 24 June 2024 Isaiah 49:1-6 ><}}}}*> Acts 13:22-26 ><}}}}*> Luke 1:57-66.80 Photo from Wikipedia, mosaic of Jesus with Mary and John the Baptist at the Hagia Sophia in

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Two gifts to pray for always

 5,886 total views

 5,886 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Memorial of St. Aloysius Gonzaga, Religious, 21 June 2024 2 Kings 11:1-4, 9-18, 20 ><]]]]’> + <‘[[[[>< Matthew 6:19-23 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2024. On this Friday, Lord Jesus Christ,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Birthday & funeral

 5,886 total views

 5,886 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 20 June 2024 Photo by author, 17 June 2024. As a priest for 26 years, I have been a frequent visitor to cemeteries to bless parishioners, friends and relatives who have died. It was more of duties and ministry for me as a priest except

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Understanding sin

 7,192 total views

 7,192 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Eleventh Week in Ordinary Time, Year II, 18 June 2024 1 Kings 21:17-29 <‘[[[[><< + ><]]]]’> Matthew 5:43-48 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2024. God our merciful Father, grant

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Going the extra mile…

 7,285 total views

 7,285 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Eleventh Week of Ordinary Time, Year II, 17 June 2024 1 Kings 21:1-16 <*((((><< + >><))))*> Matthew 5:38-42 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD in Infanta, Quezon, April 2020. Your words today, O

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

“Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.”

 7,465 total views

 7,465 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Eleventh Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 16 June 2024 Ezekiel 17:22-24 ><}}}}*> 2 Corinthians 5:6-10 ><}}}}*> Mark 4:26-34 Photo by author, Camp John Hay, Baguio City, 12 July 2023. While preparing this homily, I cannot resist

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Why are you here?

 7,602 total views

 7,602 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Tenth Week of Ordinary Time, Year II, 14 June 2024 1 Kings 19:9, 11-16 <*((((>< + ><))))*> Matthew 5:27-32 Photo by Mr. Vigie Ongleo, Sagada, Mt. Province, 2014. O God, dear Father, how I

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top