Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga bilyonaryo sa kabila ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 200 total views

Mga Kapanalig, hindi maitatangging ang buong mundo at ang ekonomiya ng mga bansa ay pinadapa ng pandemyang magdadalawang taon nang pumipinsala sa ating buhay. Ngunit alam ba ninyong sa kabila ng pagdurusa ng sangkatauhan dahil sa pagkakasakit at pagkawala ng hanapbuhay ng marami, may iilang taong lalo pang yumaman at lumaki ang kita ng kanilang mga negosyo?

Ayon sa international NGO na Oxfam, ang kayamanan ng sampung pinakamayayamang tao sa mundo ay nadagdagan ng higit sa isang bilyong dolyar bawat araw nitong nagdaang dalawang taon ng pandemya. Ang kabuuang yaman ng sampung taong ito ay higit pa sa yaman ng tatlong bilyong pinakamahihirap na tao sa mundo. Habang may isang naging bilyonaryo sa bawat araw ng panahon ng pandemya, 160 milyong mga tao namang dati ay hindi mahirap ang naging mahirap sa panahon ng krisis na ito. Dito naman sa ating bansa, ang limampung pinakamayayamang Pilipino ay lumaki ang kabuuang kayamanan nang 30 porsyento sa kabila ng pandemya.

Paano kaya ito nangyari? Batid nating may mga negosyong lalong umunlad sa kabila ng  pandemya. Ngunit anupaman ang mga ito, ang mas mahalagang itanong ay kung tama ba ang nangyayaring ito at kung dapat at maaari pa bang iwasto ang sitwasyong ito.

Mismong ang mga bilyonaryong nagsipagyaman ay nagsabing hindi raw sila pinagbabayad ng makatarungang halaga ng buwis, at dahil dito nagsipagprisinta silang magbayad ng karagdagang buwis. Habang mabuting alok ito, hindi pa rin dapat hayaan lamang na magpatuloy ang isang sitwasyong ang mga pinakamayayaman ay lalo pang nagkakamal ng malaking pera habang ang mga mahihirap ay lalo pang nababaon sa kahirapan.

Hindi ang pagbubuwis lamang ang maaaring solusyon. Alam nating sa maraming bansa, pati rito sa Pilipinas, ang mga mayayaman ay napakadaling makahanap ng paraang umiwas sa buwis. At kahit pa nagbabayad sila ng mas malaking buwis, mayroon pa ring problema kung ang higit na marami sa mundo ay lalong humihirap. Sila naman ay nagtatrabaho at ang mga walang mahanap na trabaho ay handa namang magtrabaho ngunit ang kinikita nila ay hindi sumasapat.  Ano ang sinasabi sa atin ng ganitong sitwasyon?

Malinaw ang turo ng ating Simbahan tungkol dito. Ang mundong nilikha ng Diyos ay para sa kapakinabangan ng lahat. Bagamat ang mundong likha ng Diyos ay pinagyayaman ng paggawa ng tao, hindi pa rin makatarungan kung ang kalakaran ng merkado ay may isinasantabing mga taong hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan.  Itinuturo din sa ating kapag may sitwasyong katulad ng mayroon tayo ngayong lubhang napakarami ang hindi nakakamtan ang kanilang pangunahing pangangailangan para mabuhay nang may dignidad, mali ang sistema ng ekonomiya at dapat itong iwasto. Ang sistemang naaayon sa nilalayon ng Diyos ay lumilikha ng lipunan kung saan lahat ay nakakapagtrabaho nang malaya, nakikilahok at nag-aambag, at nakikinabang nang wasto sa kanilang pinagpaguran.

Tila napakalayo ng kasalukuyang sitwasyon ng mundo at ng sarili nating bayan sa ganitong kalakaran. Imbis na mag-alok ang mga bilyonaryong dagdagan ang binabayaran nilang buwis, hindi kaya mas dapat kanilang dagdagan ang sahod ng kanilang mga manggagawa at lumikha pa sila ng maraming trabaho? Nalalapastangan ang dignidad ng tao kapag hindi pinapahalagahan ang kanyang paggawa dahil mababa ang pasahod at hindi binibigyan ng kasiguruhan ang kanyang trabaho. Hindi nga kaya ito ang ugat kung bakit lalong yumayaman ang mga may-ari ng malalaking negosyo—dahil ang mga manggagawa nila ay hindi nakakatamasa ng siguridad at sapat na sahod?

Mga Kapanalig, sabi sa Genesis 2;15, inilagay ng Diyos ang tao sa halamanan ng Eden upang ito ay pagyamanin at pangalagaan. Ang pangangalagang ito ay tumutukoy din sa pagtitiyak na ang bawat tao ay tunay na naaalagaan sa kanyang mga pangangailangan bilang taong may dignidad—may maayos na tirahan, nakapag-aaral, nagagamot kapag may sakit, nakakapagtrabaho, at sumusweldo nang tama.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,462 total views

 5,462 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,217 total views

 11,217 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,480 total views

 18,480 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,465 total views

 26,465 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,000 total views

 34,000 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 5,463 total views

 5,463 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 11,218 total views

 11,218 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 18,481 total views

 18,481 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 26,466 total views

 26,466 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 34,001 total views

 34,001 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,932 total views

 46,932 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,974 total views

 54,974 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,531 total views

 46,531 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,956 total views

 44,956 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,742 total views

 46,742 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,667 total views

 43,667 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,981 total views

 57,981 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,671 total views

 61,671 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,274 total views

 60,274 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,261 total views

 70,261 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top