1500 scholars ng Caritas Manila, magtatapos ngayong 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Higit sa isang libo at limang daan scholars ng Caritas Manila ang inaasahang magsisipagtapos ngayong taon sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya.

Ito ang inihayag ni Ms. Maribel Palmitos, Program-in-Charge ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ng Caritas Manila kaugnay sa pagpapatuloy ng kanilang scholarship program sa mga mahihirap na kabataan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Palmitos, sa kabila ng epekto ng pandemya at pinsala na iniwan ng bagyong Odette partikular sa Visayas at Mindanao ay aabot sa isang libo limang daan at apat na pu’t anim (1,546) na scholars ang magsisipagtapos ngayong School Year 2021 – 2022.

Aminado si Palmitos na naging matatag at nagsumikap ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga suliranin tulad ng pagharap sa blended learning education at iba pang mga pagsubok na dala ng kahirapan.

“Meron tayong ine-expect na 1, 546 na ga-graduate ngayong 2022, inaasahan natin na talagang sila ay subok na sa mga challenges kasi nag-pandemic tapos nagkaroon ng bagyo at lahat sila nagsusumikap at nakaka-inspire sila kasi sinasabi nila makakabangon din tayo,” paglalahad ni Palmitos sa panayam ng programang Caritas in Action.

Sa kabuuan ay mayroong apat na libo, anim na raan at tatlumpu’t siyam (4,639) na scholars ang Caritas Manila sa buong Pilipinas.

Bagamat humarap sa pagsubok na dala ng pandemya, mas tumaas ang bilang ng mga scholars ng Caritas Manila ngayong kasalukuyang taong pampaaralan.

Noong school year 2020 to 2021 ay mayroon lamang 3,960 na scholars sa ilalim ng YSL Program.

“Mas marami ngayon pandemic na nag-apply ng [scholarship] kasi mas marami ang nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ngayon na maraming mga magulang ang nawalan ng hanapbuhay,” paliwanag pa ni Palmitos.

Nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa patuloy na pagbabahagi ng tulong at suporta ng marami sa mga mananampalataya para maipagpatuloy ng mga mahihirap na kabataan ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng sapat na edukasyon at mapaganda ang kanilang buhay.

“Sa lahat ng mga donors, sa mga volunteers at sa mga nagbibigay sa atin gaano man kalaki basta mula sa puso maraming salamat po sa inyong tulong at kami po ay bukas loob na nagpapasalamat at umaasa na marami pa tayong matulungan sa mga darating na panahon,” ani pa ng Program Head ng YSL.

Batay sa isang pag-aaral noong taong 2017, lumalabas na 23 porsyento lamang ng mga Pilipino ang nakakatapos ng kolehiyo dahil sa kawalan ng sapat na pagkukunan ng pangtustos sa pag-aaral.

sinisikap ng Caritas Manila na magbigay ng pagkakataon sa mga mahihirap na kabataan na makatapos ng kolehiyo para sa mas magandang oportunidad at kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 30,313 total views

 30,313 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 204,247 total views

 204,247 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 181,880 total views

 181,880 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 244,890 total views

 244,890 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 262,439 total views

 262,439 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 80,633 total views

 80,633 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top