Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabalik ng death penalty, patuloy na tututulan ng senador

SHARE THE TRUTH

 443 total views

Naninindigan si Senator Leila De Lima sa kanyang pagtutol sa pagsusulong ng death penalty sa bansa.

Ayon sa Senadora na kilalang human rights advocate, bagama’t nakahanda itong suportahan ang marami sa mga programa ng administrasyong Duterte, ay mariin naman nitong tututulan ang planong pagbabalik ng death penalty.

“Yun ang hindi ako sumasang-ayon, marami akong pwedeng sang-ayunan o marami akong susuportahan lalo na dun sa mga sinabing mga programa at plano ng administrasyon na ito, except for certain major issues like death penalty, hindi po ako sasang-ayon dyan,”pahayag ni De Lima.

Samantala, tiniyak ni Senator De Lima na dadaan sa tamang proseso ang Death Penalty Bill bago ito tuluyang maisabatas.

“Siyempre dadaan naman po yan sa matinding debate, deliberation at tingnan nalang natin kung aling panig ang mananaig.”

Sa datos ng Amnesty International, mayroon ng 140 bansa ang nag-alis ng Parusang kamatayan sa kanilang batas.

Kaugnay dito, taong 2006 nang lagdaan naman ni dating Pangulo at ngayo’y Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtatanggal ng Death Penalty sa bansa.

Sa halip ay pinababa na lang nito sa habang buhay na pagkakakulong ang parusang ipapataw sa mga dapat sana ay bibitayin.

Sang-ayon nga sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi dapat na buhayin pa ang parusang bitay lalo na at marami na ring bansa ang bumitaw dito dahil sa paniniwalang higit na marapat bigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang bawat tao, maging kriminal man ito o hindi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,717 total views

 42,717 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,198 total views

 80,198 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,193 total views

 112,193 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,932 total views

 156,932 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,878 total views

 179,878 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,143 total views

 7,143 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,745 total views

 17,745 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 215,221 total views

 215,221 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 159,067 total views

 159,067 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top