2,844 total views
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan na epektibo sa Setyembre 1, 2025.
Sa kanyang resignation letter, nagpahayag si Bonoan ng suporta sa panawagan ng Pangulo para sa pananagutan at reporma sa DPWH.
Bilang kapalit, itinalaga ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong Kalihim ng DPWH.
Mandato ng Pangulo ang pagsagawa ng pagsusuri sa buong operasyon ng DPWH at ang pagtiyak na ang pondo ng bayan ay hindi masasayang at mailalaan sa mga proyektong kapaki-pakinabang.
Samantala, si Atty. Giovanni Z. Lopez ang hinirang bilang Acting Secretary ng Department of Transportation (DOTr) upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa ahensya. Dati siyang nagsilbing Chief of Staff sa tanggapan ng kalihim at namuno sa ilang pangunahing proyekto sa transportasyon bago italaga bilang undersecretary noong Pebrero 2025.
Kasabay nito, nagtatag din ang Pangulo ng isang independent commission na magsisiyasat sa mga iregularidad sa mga flood control project, kabilang ang pagtukoy ng anomalya at rekomendasyon para sa pananagutan ng mga sangkot.