Pagbisita ng Incorrupt Heart of St.Padre Pio, espesyal na biyaya sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Ang pagbisita sa bansa ng “Incorrupt Heart” of Saint Padre Pio ay isang espesyal na biyaya para sa mga Filipino.

Ito ayon kay Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs dahil nataon ang Nationwide Tour ng Incorrupt Heart of Saint Padre Pio sa Centenaryo ng pagtanggap ni St. Padre Pio ng mga sugat ni Hesus o ang Stigmata at ang ika-50 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Santo Padre Pio noong 1968.

Dahil dito, umaasa ang Obispo na makapagbigay inspirasyon at mapalakas pa sa buhay pananampalataya ng mga Filipino ang pambihirang pagbisita sa bansa ng hindi naaagnas na puso ni Santo Padre Pio.

“Isang napakalaking biyaya, espesyal na biyaya ito para sa ating bansa at ngayon ngang 2018 na ito ay pa-100 taon ng Stigmata ni San Padre Pio at pa-50 taon ng kanyang kamatayan kaya talagang yung kanyang pagiging kaisa natin ay ang puso niya ay narito ngayon ay talagang lalong magbigay inspirasyon sa atin at magpalakas ng ating buhay pananampalataya…” pahayag ni Bishop Evangelista.

Umaasa rin ang Obispo na tunay na maisabuhay ng mga debotong nagsakripisyo at matiyagang pumila sa public veneration ng Incorrupt Heart of Saint Padre Pio ang pamumuhay ng may kabanalan.

“Sana ang pagsasakripisyong ito ng marami nating mga kapatid na nagbibigay paggalang, nagbi-venerate sa Heart Relic ni San Padre Pio ay mag-antig din sa kanilang kalooban para mamuhay talaga sa kabanalan na isinabuhay din ng ating Santo na talagang walang question, walang pwedeng pasubali sa kanyang pagmamahal sa Diyos, paglilingkod sa kapwa at talagang malalim na pakikipag-ugnay…” dagdag ni Bishop

Kaugnay nito, batay sa tala sa unang araw ng pagbisita ng Incorrupt Heart ni Saint Padre Pio sa National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Bantangas ay umabot sa 40,000 mga mananampalataya ang dumagsa sa public veneration.

Habang sa pakikipag-ugnayan naman ng Manila Cathedral sa Intramuros Administration, tinatayang aabot sa 120,000 hanggang 160,000 ang bilang ng mga debotong nakibahagi sa 2-araw na public veneration ng Incorrupt Heart ni St. Padre Pio.

Samantala, ipinagdiwang naman noong September 20, 2018 ang Centenaryo ng pagtanggap ni Padre Pio sa mga sugat ni Hesus o ang Stigmata at September 23, 2018 naman ginunita ang ika-50 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Padre Pio na namatay noong taong 1968.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,603 total reads

 49,603 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,838 total reads

 86,838 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,137 total reads

 122,137 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,407 total reads

 348,407 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,940 total reads

 238,940 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top