Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbobokasyon, walang pinipiling tao

SHARE THE TRUTH

 701 total views

Binigyang-linaw ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na walang pinipiling tao ang tawag ng pagbobokasyon.

Kaiba sa ibang kurso, sinabi ni Bishop Ongtioco na ang pagpapari ay isang espesyal na pagtawag ng Panginoon na kung sinuman ang tutugon ay inaanyayahang i-alay ang kanyang buong buhay para sa paglilingkod sa Diyos na nagligtas sa sanlibutan.

“Ang pagpapari ay isang bokasyon na galing sa Diyos so nobody claims this for himself, hindi naman kurso ang pagpapari. Ang ibang kurso basta may talino ka may pera ka makakatapos ka pero that can be separated from our life. Pero yung pagpapari ito ay isang bokasyon, pananawagan ng Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco.

Idinagdag pa ng Obispo na grasyang maituturing ang pagtugon sa panawagan ng Panginoon kahit ano pa man ang katayuan o estado sa buhay dahil hindi aniya nasusukat ng anumang pinag-aralan ang pagpasok sa banal na bokasyon.

“Kung marahil, somehow na you feel that God is calling you kahit na propesyonal ka na maging doktor ka maging engineer ka anupaman ang iyong sitwasyon at kalagayan, baka hindi pa huli. Pumasok ka at lapitan mo ang isang pari para gabayan ka sa iyong pagpili ng daan sa pagpili tungo sa ganap na tuwa at ligaya,” panawagan ni Bishop Ontioco.

Dahil sa priest shortage sa Pilipinas, isang pari lamang ang humahawak sa 8-libong mga Katoliko sna higit na marami sa dapat sana’y isang pari sa 2-libong mga mananampalataya ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa susunod na taon ilulunsad ng simbahang katolika ang Year of the Clergy and Consecrated Persons bilang pagpupugay sa kaparian, relihiyoso at relihiyosa na nag-alay ng sarili upang iproklama ang mabuting balita ng Panginoon.

Sa lipunan na napapaligiran ng maraming bagay na maghihikayat sa atin kung ano ang daan na dapat sundin o puntahan, inihayag ni Bishop Ongtioco na dapat pakinggan ang tinig ni Hesus at hindi magpabulag materyal na bagay at mga tukso ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 64,686 total views

 64,686 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 64,725 total views

 64,725 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 72,661 total views

 72,661 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 94,820 total views

 94,820 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 112,543 total views

 112,543 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 168,681 total views

 168,681 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 274,946 total views

 274,946 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 300,762 total views

 300,762 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 301,927 total views

 301,927 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »