Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdiriwang ng World Day of the Sick, pangungunahan ng Archdiocese of Manila at Order of Malta

SHARE THE TRUTH

 1,148 total views

Pangungunahan ng Health Care Ministry ng Archdiocese of Manila at ng Order of Malta Philippines ang pagdiriwang ng ika-34 na World Day of the Sick o Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit.

Sa liham sirkular, sinabi ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Carmelo Arada, Jr., na ang pagdiriwang ay mahalagang pagkakataon upang kilalanin at pahalagahan ang mga nangangalaga sa mga may karamdaman.

Tema ngayong taon ang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” na naglalayong ipagdiwang hindi lamang ang kalagayan ng mga maysakit, kundi maging ang mga sakripisyo ng mga healthcare worker, caregivers, at mga pamilyang patuloy na nag-aalay ng panahon at lakas upang maibsan ang paghihirap ng kanilang mga mahal sa buhay.

“It is opportune that on this day we recognize and appreciate those who care for sick priests and religious in the health care ministry, our health care workers, caregivers, watchers in the hospital, family members who care for their loved ones,” ayon kay Fr. Arada.

Ipinagdiriwang ang World Day of the Sick tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, sa pamamagitan ng panalangin, kawanggawa, at sakripisyong iniaalay para sa mga may sakit at sa mga naglilingkod sa kanila.

Kaugnay nito, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral, sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

Inaanyayahan ang lahat ng parokya at institusyong saklaw ng arkidiyosesis na makilahok at patuloy na makiisa sa panalangin at suporta sa mga may sakit.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa 34th World Day of the Sick, iginiit ng Santo Papa na ang pangangalaga sa mga maysakit ay hindi lamang pansariling tungkulin kundi isang misyon ng buong Simbahan, kung saan may mahalagang gampanin ang pamilya, komunidad, health worker, at pastoral workers.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wakasan ang political dynasties!

 9,454 total views

 9,454 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 27,738 total views

 27,738 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 182,839 total views

 182,839 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 227,337 total views

 227,337 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 258,613 total views

 258,613 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top