Installation ng bagong Obispo ng Diocese of San Jose, pangungunahan ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,011 total reads

Pangungunahan ng Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown ang pagluluklok kay Bishop Samuel Agcaracar, SVD bilang ikalimang obispo ng Diocese of San Jose.
Ayon sa diyosesis, isasagawa ang pagluklok sa February 6, alas-9:30 ng umaga, sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Magbabahagi naman ng pagninilay sa pagdiriwang si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Nauna nang isinapubliko ng diyosesis ang mga sagisag at kulay ng coat of arms ng bagong obispo, na naglalahad ng kanyang pinagmulan, paglalakbay bilang misyonero, at mga prinsipyong magsisilbing pundasyon ng kanyang pagpapastol sa mahigit kalahating milyong Katoliko sa San Jose, Nueva Ecija.

Tampok sa eskudo ang mga sagisag ni San Jose, patron ng diyosesis kabilang ang dalawang liryo para sa kadalisayan, korona bilang tanda ng angkan ni David, tungkod bilang ulo ng Banal na Pamilya, at mga panandang kaugnay ng kanyang hanapbuhay bilang karpintero.

Ang bughaw na kulay ay sumasagisag sa parangal sa Mahal na Birheng Maria, ang Kalinis-linisang Kabiyak ni San Jose.

Makikita rin sa coat of arms ang Pantabangan Dam, inukit mula sa luntiang anyo ng Sierra Madre, na nagbibigay-buhay sa mga palayan, larawan ng paglilingkod na handang mag-alay ng sarili para sa kabutihan ng nakararami.

Isinasaad din sa mga pananda ang kanyang pagkakakilanlan bilang misyonero ng Society of the Divine Word (SVD) sa pamamagitan ng sipi mula sa 1 Samuel 7:12, “Thus far the Lord has helped us,” bilang pagpupugay sa kanyang baptismal namesake na si Samuel na isang pari, propeta, at hukom, na patuloy nagpapasigla sa kanyang sigasig bilang misyonero.

Tampok din ang Puso ni Hesus na hango sa panalangin ni St. Arnold Janssen, tagapagtatag ng SVD, “May the Heart of Jesus live in the hearts of all” bilang patibay ng pangakong ebanghelisasyon.

Sa ibabang bahagi ng eskudo, makikita ang salakot at bigkis ng palay sa gitna ng luntiang bukirin bilang paggunita sa pinagmulan ni Bishop Agcaracar sa Claveria at sa kanyang adhikaing itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, katarungang ekolohikal, at sustenableng kaunlaran na binibigyang-diin ng kanyang panawagang “We are all farmers.”

Kasama rin sa simbolo ang batong Lakay-Lakay, isang bantayog sa baybayin ng Claveria na nagsisilbing gabay lalo na tuwing may malalakas na bagyo, sagisag ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa ng pamayanan, at tanda ng pagiging kauna-unahang obispo ng bayan.

Nakaukit sa coat of arms ang episcopal motto ni Bishop Agcaracar na “Fac nos omnes unum in Eo” (“Make us all one in Him”), mula sa Quarter Hour Prayer ni St. Arnold Janssen, na sumasalamin sa kanyang bisyon ng pagkakaisa sa Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 130,710 total reads

 130,710 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 205,578 total reads

 205,578 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 239,027 total reads

 239,027 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 274,325 total reads

 274,325 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 495,765 total reads

 495,765 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top