Pagdiriwang ng World Day of the Sick, pangungunahan ng Archdiocese of Manila at Order of Malta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,162 total reads

Pangungunahan ng Health Care Ministry ng Archdiocese of Manila at ng Order of Malta Philippines ang pagdiriwang ng ika-34 na World Day of the Sick o Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit.

Sa liham sirkular, sinabi ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Carmelo Arada, Jr., na ang pagdiriwang ay mahalagang pagkakataon upang kilalanin at pahalagahan ang mga nangangalaga sa mga may karamdaman.

Tema ngayong taon ang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” na naglalayong ipagdiwang hindi lamang ang kalagayan ng mga maysakit, kundi maging ang mga sakripisyo ng mga healthcare worker, caregivers, at mga pamilyang patuloy na nag-aalay ng panahon at lakas upang maibsan ang paghihirap ng kanilang mga mahal sa buhay.

“It is opportune that on this day we recognize and appreciate those who care for sick priests and religious in the health care ministry, our health care workers, caregivers, watchers in the hospital, family members who care for their loved ones,” ayon kay Fr. Arada.

Ipinagdiriwang ang World Day of the Sick tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, sa pamamagitan ng panalangin, kawanggawa, at sakripisyong iniaalay para sa mga may sakit at sa mga naglilingkod sa kanila.

Kaugnay nito, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral, sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

Inaanyayahan ang lahat ng parokya at institusyong saklaw ng arkidiyosesis na makilahok at patuloy na makiisa sa panalangin at suporta sa mga may sakit.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa 34th World Day of the Sick, iginiit ng Santo Papa na ang pangangalaga sa mga maysakit ay hindi lamang pansariling tungkulin kundi isang misyon ng buong Simbahan, kung saan may mahalagang gampanin ang pamilya, komunidad, health worker, at pastoral workers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 128,756 total reads

 128,756 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 203,743 total reads

 203,743 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 237,192 total reads

 237,192 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 272,490 total reads

 272,490 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 493,998 total reads

 493,998 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,237 total reads

 159,237 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top