Pamumuno sa Caritas Philippines, ipinagkatiwala ni Bishop Bagaforo kay Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,582 total reads

Pormal nang ipinagkatiwala ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang patuloy na misyon ng Caritas Philippines kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa isinagawang ceremonial turnover sa pagtatapos ng ika-41 National Social Action General Assembly (NASAGA) 2025.

Isinagawa ang turnover sa pagbubukas ng 42nd National Social Action General Assembly (NASAGA) 2026 sa Mother of Grace Convention Center sa Tagaytay City noong February 2, 2026, kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Bishop Bagaforo sa mga diocesan social action centers, partner organizations, volunteers, donors, mga kawani, at lahat ng kanyang nakasama sa paglilingkod bilang pinuno ng social action, humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP).

“I didn’t walk this path alone. I walk it with you… You have shown again and again what it means to serve with professionalism and a heart rooted in love,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng dating pangulo ng Caritas Philippines na hindi nagtatapos ang misyon ng Simbahan sa pagtataguyod sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa halip, ayon kay Bishop Bagaforo, ito ay nagpapatuloy at nakaugat sa diwa ng sinodalidad at sama-samang pananagutan ng sambayanan.

Tiniyak din ni Bishop Bagaforo na sa kanyang tungkulin bilang bagong chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, ay kaniyang ipagpapatuloy ang adhikain ng Caritas Philippines sa pagtataguyod ng kapayapaan pakikipagdiyalogo, at pagsusulong ng pagbabagong panlipunan.

“The mission continues and so as my solidarity with you. Let us keep walking together, trusting that God who began this good work in us will bring it to fulfillment.”

Samantala, inaasahang ipagpapatuloy ni Bishop Alminaza ang adbokasiya ng Caritas Philippines sa katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan, at pagtugon sa pangangailangan ng mga maralita at higit na nangangailangan, kasabay ng mga hamon ng makabagong usaping kinahaharap ng bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 132,252 total reads

 132,252 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 207,024 total reads

 207,024 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,473 total reads

 240,473 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,771 total reads

 275,771 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 497,160 total reads

 497,160 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,336 total reads

 159,336 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top