Pagdurusa ng mamamayan na naiipit sa digmaan, ikinababahala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 331 total views

Lubhang nababahala si Pope Leo XIV sa patuloy na pagdurusa ng mga sibilyan sa gitna ng mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na hindi mananahimik ang simbahan sa mga lumalalang tensyon dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa lipunan, sa halip ay nagpapalubha lamang sa kahirapan.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang karahasan at pagkamatay ng mga inosente ay hindi lamang usapin ng isang rehiyon kundi ng buong sangkatauhan.

“We cannot remain silent in the face of the suffering of so many defenseless people who are victims of these conflicts. The death and pain caused by these wars is a scandal for the entire human family and a cry that rises to God,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dahil dito, muling nanawagan ang Papa sa lahat ng mananampalataya at mga lider ng mundo na isulong ang kapayapaan.

“I strongly renew my appeal to persevere in prayer, so that hostilities may cease and paths to peace may finally open up, based on sincere dialogue and respect for the dignity of every human person,” apela ng Santo Papa.

Samantala, sa kanyang pagninilay para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ng Santo Papa ang mga mananampalataya tungkol sa mas malalim na uhaw ng tao na hindi kayang punan ng materyal na bagay.

“Nothing finite can quench our inner thirst, for we are made for God, and we find no peace until we rest in him,” paalala ni Pope Leo.

Tinuligsa rin ng punong pastol ang pananaw ng makabagong lipunan na nakatuon sa panandaliang kasiyahan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang lahat na magbalik-loob at iwanan ang makasariling pamumuhay, kasabay ng panawagan ni Hesus na “Come out!” isang paanyaya upang mamuhay sa liwanag ng pag-ibig at pag-asa.

Hiniling ng Santo Papa ang tulong ng Mahal na Birheng Maria upang gabayan ang mga mananampalataya sa mas malalim na pakikiisa kay Kristo lalo na sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at ang Paschal Triduum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 160,395 total views

 160,395 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 138,028 total views

 138,028 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 202,156 total views

 202,156 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 222,468 total views

 222,468 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 143,297 total views

 143,297 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top