Paghahanda kay super typhoon Uwan, panawagan ng Archdiocese of Caceres sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,305 total reads

Nananawagan ang Arkidiyosesis ng Caceres sa mga mananampalataya na maghanda sa banta ng Super Typhoon Uwan nang may kapanatagan, pag-iingat, at taimtim na pananalangin para sa proteksyon ng Panginoon sa bawat isa.

Ayon sa abiso ng arkidiyosesis, sa gitna ng paghahanda sa posibleng maging epekto ng malakas na bagyo ay dapat na maalala ng bawat isa ang pagtutulungan, pagkakaisa at pananagutan sa isa’t isa sa gitna ng anumang kalamidad o sakuna.

Hinimok din ng Arkidiyosesis ng Caceres ang lahat na manalig sa habag, awa at pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia, upang mapangalagaan ang mga pamilya at pamayanan sa ilalim ng kanyang mapagmalasakit at mapagkalingang pamamatnubay.

“The Archdiocese of Cáceres encourages everyone to prepare for Typhoon Uwan with prudence, calmness, and a spirit of prayer. We are called to walk together in mutual care. This is a time for co-responsibility. May God’s protection, through the intercession of Inâ, Our Lady of Peñafrancia, keep our families and communities safe under her maternal care.” Bahagi ng panawagan ng Archdiocese of Caceres.

Pinaalalahanan din ng arkidiyosesis ang bawat parokya at mga pamilya sa mga dapat na gawing paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa epekto ng Super Typhoon Uwan, kabilang na ang pagbubukas ng mga Simbahan at mga pasilidad ng parokya upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga residenteng apektado ng bagyo.

 

Mga Paalala para sa mga Parokya:

• Paganahin ang PaDRe Team (Parish Disaster Response) ng bawat parokya.
• Siguraduhing matibay at ligtas ang mga gusali ng simbahan—mga bintana, pinto, at bubong.
• Suriin ang mga gamit pang-emergency tulad ng first aid kit, flashlight, at radyo.
• Makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad para sa koordinasyon ng pagtugon.
• Ihanda ang simbahan o parish hall bilang posibleng evacuation center para sa mga nangangailangan.

 

Mga Paalala para sa mga Pamilya:

• Lumikas agad kung nasa mababang lugar o flood-prone area.
• Maghanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, gamot, at kaunting salapi.
• Siguraduhin ang kaligtasan ng tahanan – linisin ang mga kanal at itali ang mga gamit na maaaring liparin ng hangin.
• I-charge ang cellphone at powerbank para sa tuloy-tuloy na komunikasyon.
• Manatiling nakatutok sa mga balita at opisyal na abiso ng pamahalaan at simbahan.

Hinikayat naman ng arkdyosesis ang lahat ng mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng lahat at manatiling matatag sa pananampalataya bilang sandigan sa gitna ng anumang kalamidad o sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,871 total reads

 43,871 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,845 total reads

 93,845 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,716 total reads

 141,716 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,665 total reads

 245,665 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,527 total reads

 329,527 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top