Paghahangad ng Kita mula sa sugalan, Dulot nama’y panganib sa moralidad ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total views

Ikinalungkot ng obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran ang paglaganap ng mga ‘casino’ sa bansa na makasisira sa moralidad ng mamamayan.

Tinukoy ni Bishop Alberto Uy ang iba’t ibang uri ng pasugalan na pinapayagan ng gobyerno dahil sa kikitaing buwis ng pamahalaan.

Panawagan ng obispo sa mamamayan na ipanalangin ang mga pinuno ng bayan lalo na sa lalawigan ng Bohol na hindi katigan ang mga proyekto o pagpapatayo ng mga pasugalan tulad ng mga casino.

Binigyang diin ni Bishop Uy na hindi makabuluhan ang pagkakaroon ng malaking kita kung kapalit naman ang moralidad ng mamamayan.

“Aanhin ang malaking pondo ng bayan kung nanganganib naman ang moralidad ng tao na magiging sanhi sa pagkalulong sa mga maling gawain,” ani Bishop Uy.

Nobyembre 2021 nang tutulan ng mga obispo ng Bohol, kasama si Bishop Uy laban sa paglaganap ng online-sabong sa lalawigan.

Iginiit ni Bishop Uy na maraming pamilya ang nasisira dahil sa e-sabong, gayundin ang pagtaas ng bilang ng krimen na nakaapekto rin maging ang kabataan.

Buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon nang tuluyang ipahinto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government.

Panawagan ni Bishop Uy sa mga opisyal ng pamahalaan na isulong ang ‘Christian leadership’ at tularan ang mga halimbawa ni Hesus bilang mabuting pastol upang manaig sa lipunan ang kabutihan ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 2,520 total views

 2,520 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 2,520 total views

 2,520 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 2,520 total views

 2,520 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 2,456 total views

 2,456 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 2,210 total views

 2,210 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top