Pagiging hari, sumisimbolo sa kapakumbabaan hindi ng kayabangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang kapangyarihan ng pagiging Hari ni Kristo ay ipinakita sa pagpapakumbaba.

Ito ang inihayag ng cardinal sa sa banal na misang ginanap sa San Fernando De Dilao Parish sa Maynila sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Batid ni Cardinal Advincula na kaakibat ng paghahari ang kapangyarihan subalit binigyang diin ang pagkakaiba ng paghahari ni Kristo kumpara sa mga hari ng iba’t ibang bansa sa mundo.

“Alalahanin natin na ang kapangyarihan ng pamumuno ng ating Panginoong Hesukristo ay iba sa idinidikta ng mundo, maaring may pagkakahawig subalit ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lang pagsakop o pangingibabaw sa atin kundi ipinahihiwatig ito sa daan ng kapakumbababaan,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hamon ng arsobispo sa bawat isa ang manatiling mapagpakumbaba tulad ng ipinamalas ni Hesus sa kabila ng katanyagan sa lipunan.

Sa hiwalay na panayam ng Veritas Patrol sa arsobispo ipinaalala nito sa mamamayan ang kahalagahan ng kapangyarihang bumoto sa nalalapit na 2022 National and Local Elections upang ihalal ang mga taong may tunay na hangaring maglingkod sa bayan.

Panawagan nito sa 63 milyong botante na masusing pag-aralan ang bawat kandidato na magsusulong ng mga programang nakabatay sa kautusan ng Panginoon partikular sa pagtataguyod ng kapakanan ng nakararami.

“Panalangin ko ay pumasok tayo sa isang masusing pag-aaral ng mga programa at plataporma ng bawat kandidato, suriin at balikan natin ang ating kasaysayan at matuto sa mga aral nito,” ani ng Cardinal.

Sa pista ng Kristong Hari ng arkidiyosesis nagsagawa ng motorcade ang San Fernando de Dilao vicariate upang ihayag sa pamayanan ang paghahari ng Panginoon.

Kabilang sa mga parokyang dinaanan ng motorcade ang Sta. Maria Goretti Parish, Sto.Nino de Pandacan Parish, Our Lady of Penafrancia Parish, St. Peter the Apostle Parish at ginanap naman ang pagtatanghal sa kabanal-banalang katawan ni Kristo sa San Fernando De Dilao o Paco church.

hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na yakapin si Hesus at maging panig sa katotohanang hatid ng Kanyang mga Salita na nagbibigay pag-asa sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa buhay tulad ng naranasang pandemya.

 

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,082 total reads

 5,082 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 16,448 total reads

 16,448 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 121,309 total reads

 121,309 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 161,867 total reads

 161,867 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 182,321 total reads

 182,321 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 230,503 total reads

 230,503 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top