VeritasPH

The Word, The Truth

Pagiging makasarili ng mga pulitiko, pinuna ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 438 total views

Si Hesus ang natatangging huwaran ng pagiging isang mabuting lider hindi lamang ng Simbahan kundi maging ng pamahalaan.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paggunita ng Good Shepherd Sunday.

Ayon sa Obispo, ang pagiging isang mabuting lider ay tulad ng isang mabuting pastol na buong puso at lakas na pinangungunahan, pinangangalagaan at pinoprotektahan ang kanyang kawan mula sa anumang kapahamakan o kasamaan.

“As a shepherd leads, provides, defends and cares for his flock, so should the leaders do to the people. Maliwanag sa ating ebanghelyo ngayon na inilalarawan ni Jesus na siya ay pastol, at hindi lang pastol, siya ay mabuting pastol. As believers, let us take Jesus as a model of what a leader should be, whether our religious leaders or our government leaders.” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, tulad ni Hesus ang mabuting lider ng Simbahan, pamahalaan o anumang uri ng samahan ay dapat na mayroong malasakit sa kanyang pinamumunuan at handang itaya ang kanyang sarili.

Ibinahagi ni Bishop Pabillo na ang mga katangiang ito ang dapat na bantayan at maging batayan ng bawat mamamayan partikular na sa pagpili ng mga karapat-dapat na lider ng bansa sa papalapit na halalan sa susunod na taon.

PSD Toktok

Iginiit ng Obispo na dapat na suriing mabuti ng bawat isa ang tunay na intensyon ng bawat politiko na nagnanais na maluklok sa katungkulan.

“Si Jesus ang modelo ng leadership. Ganito ba ang ating mga leaders – sa simbahan man, sa gobyerno, sa business o sa ating mga organisasyon? Ang leader ba natin ay may malasakit sa pinamumunuan niya at tinataya ang kanyang sarili para sa nasasakupan?” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Partikular namang pinuna ni Bishop Pabillo ang kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa bansa kung saan sa halip na ang paglilingkod bilang mabuting lider ang tinututukan ng mga politiko ay ang posisyon at kapangyarihan na kaakibat nito ang pinanghahawakan at pinag-aagawan.

Ayon sa Obispo, kapansin-pansin ito lalo na sa talamak ang political dynasty at mahigpit na pagkapit sa posisyon ng mga pamilyang politiko hindi upang patuloy na makapagsibli sa mamamayan kundi upang hindi maalis ang kapangyarihan at mapagtakpan ang kanilang mga maling nagawa.

“Pero iba yata ang nangyayari. Pinag-aawayan ang posisyon kasi mas malaki ang makukuha nila dito. Kaya nga ayaw bitawan ang pork barrel. Ngayong malapit na ang election usisain natin ang mga namumuno sa atin. Nakinabang ba sila sa kanilang posisyon? Mas yumaman ba sila sa kanilang tungkulin? Kaya nga ayaw nila magbitiw sa kanilang posisyon at kapit tuko sila dito na pati ang kanilang pamilya ay pinapaluklok nila. Hindi naman dahil sa gusto nilang maglingkod, kundi ayaw mawala ang kanilang benepisyo at ayaw masilip ang kanilang ginawa – kaya isinusulong nila ang political dynasty.” Ayon kay Bishop Pabillo.

Hindi naman ikinaila ng Obispo na maging sa Simbahan ay mayroon din mga lider na hindi ganap na ginagampanan ang kanilang tungkulin na pamunuan at pangalagaan ang kanilang kawan

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat isa na ipagdasal ang mga lider ng bansa upang magbago at magkaroon ng mas maayos na pamumuno lalo na sa gitna ng patuloy na malawakang epekto ng COVID-19 pandemic.

Hinimok rin ng Obispo ang lahat na ngayon pa lamang ay ipagdasal na ang pagtakbo at pagkakaluklok sa nakatakdang halalan ng mga mabubuting lider na tunay na magsisilbing pastol at magdadala ng kasaganahan sa mamamayan.

“Ang bawat isa naman sa atin ay maaaring magdasal para mga leaders natin ngayon na magbago naman sila, na ayusin naman nila ang kanilang pamumuno kasi gutom na ang mga tao, tumataas ang bilang ng mga may sakit, at marami na ang namamatay, at ngayon palang magdasal na tayo ng mabubuting leaders na tumakbo at mahalal sa election next year. It is never too early to start praying now for good leaders for next year’s elections.” Apela ni Bishop Pabillo

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 538 total views

 538 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,524 total views

 16,524 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,569 total views

 24,569 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,649 total views

 29,649 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,355 total views

 35,355 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 2,361 total views

 2,361 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 2,540 total views

 2,540 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 2,918 total views

 2,918 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 6,608 total views

 6,608 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 7,458 total views

 7,458 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 7,812 total views

 7,812 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 22,035 total views

 22,035 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 8,706 total views

 8,706 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 8,803 total views

 8,803 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 15,204 total views

 15,204 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 14,844 total views

 14,844 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 9,934 total views

 9,934 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 19,338 total views

 19,338 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

Inisyatibo ng mga layko laban sa divorce, pinuri ng opisyal ng CBCP

 20,573 total views

 20,573 total views Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Inihayag ito ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocations sa paglulunsad ng Super Coalition Against

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 14,890 total views

 14,890 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top