Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total views

Kapanalig, isa sa mga leksyon na tinuro ng pandemya sa buong mundo ay ang importansya ng pagtitiyak ng supply ng pagkain. Sa usaping ito, hindi lamang pagtatanim at lahat ng kasama sa proseso ng pagtatanim at pag-aani ang mahalaga. Ang buong food supply chain, mula sa binhi hanggang sa mai-latag ang pagkain sa bawat hapag ng mga mamamayan, ay kailangang bigyang diin at importansya.

Noong simula ng pandemya, nakita natin ang malaking pagkaputol o disruption sa food supply chain. Truck-truck ng mga food supply ang na-tengga dahil sa mga lockdowns. Marami rin ang nasayang – alam naman natin na ang pagkain ay perishable goods. Dahil nga dito, sa gitna ng pandemya at disruption sa supply ng pagkain, tumaas pa ang presyo nito noon. Ayon nga sa World Bank, tumaas ng 14% ang global food prices noong 2020. Kaya nga’t mas maraming nagutom, mas maraming naghirap, mas maraming nagbawas ng konsumpsyon sa buong mundo.

Ngayong 2022, nang inakala natin na tapos na ang pinakamahirap na yugto ng pandemya, ginera naman ng Russia ang Ukraine. Malaki rin ang naging epekto nito sa supply ng pagkain, hindi lamang sa dalawang bansa na ito, kundi sa marami pang bansa sa buong mundo, kasama na tayo. Dahil sa sigalot, tumaas ang presyo ng krudo. At sa pagtaas ng presyo ng krudo, apektado na naman ang global food supply chain. Maliban sa pagtaas ng krudo, may epekto rin sa food supply ang gyera, dahil ang Ukraine at Russia ay nangungunang exporter rin ng wheat, hindi man sa Asya, kundi sa Europe.

Ang mga ganitong krisis ay malaki ang impact sa food supply chain sa buong mundo. Nagdudulot ito ng kahirapan at kagutuman sa malaking porsyento ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa. Kailangan ng lipunan na maging handa sa mga krisis – kailangan ang daloy ng pagkain ay malaya at walang hadlang upang maiwasan ang shortage sa supply at ang pagtaas ng presyo ng pagkain. Nakita natin kung paano naantala ang mga supply ng pagkain sa mga borders at ports ng bayan noong unang bahagi ng pandemya – kailangang makapag-taguyod tayo ng sistema at proseso upang hindi na maulit pa muli ito.

Alam niyo kapanalig, ang pagbibigay atensyon sa food supply chain ay pagsasakatuparan din ng panlipunang katarungan. Ang gutom ay isa sa mga simbolo ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pagtugon dito ay “love in action.” Ang pagtitityak ng supply ng pagkain ay salik ng ating dignidad at karapatang mabuhay. Ayon nga sa United States Conference of Catholic Bishops (2020): Ang kawalan ng katiyakan sa pagkain ay isang seryosong hadlang sa karapatang mabuhay at sa dignidad ng tao—isang dignidad na ginawad ng Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 57,877 total views

 57,877 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 67,241 total views

 67,241 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 93,697 total views

 93,697 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 142,009 total views

 142,009 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 143,089 total views

 143,089 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baluktot na katotohanan

 57,878 total views

 57,878 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 67,242 total views

 67,242 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 93,698 total views

 93,698 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 142,010 total views

 142,010 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »
Scroll to Top