Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,047 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikapitong LInggo ng Pagkabuhay, 02 Hunyo 2022, Jn 17:20-26

“Divide and conquer” and tawag sa Ingles sa ginamit na paraan ni San Pablo sa ating unang pagbasa. Mukhang siniryoso talaga niya ang inihabilin ni Hesus sa kanyang mga alagad: na “Maging maamong gaya ng kalapati at tusong gaya ng ahas.” Ginamitan niya ng katusuhan ang mga miyembro ng pinakamataas na konseho ng mga Hudyo: ang SANHEDRIN.

Noong una pinagkakaisahan nila na hatulan ng kamatayan si Pablo, katulad ng ginawa nilang paghatol kay Hesus. Pero matinik si Pablo, alam niyang mababaw lang ang kanilang pagkakaisa. Dahil dati rin siyang Pariseo, alam niya ang mga pagkakaiba nila ng pananaw sa relihiyon sa mga Saduseo. Alam niya na di tulad ng mga Pariseo, ang mga Saduseo ay hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala sa mga anghel o mga espiritu, mabuti man o masama.

Kaya nang tanungin niya ang Sanhedrin, “Ako ba’y nililitis ninyo dahil ako’y naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga yumao?”, nagkagulo na sila. Ang dating pagkakaisa nila ay biglang nagkawatak. Imbes na PAGKAKAISA, ang nangibabaw ay ang kanilang mga PAGKAKAIBA ng mga pananaw.

Kapag mababaw, o di-patas, o hindi makatarungan ang pinagkakaisahan, talagang hindi ito magtatagal. Mabubuwag din sa bandang huli. Sa kasaysayan marami nang mga bansang dating nagkakaisa ang sa katagalan ay nagkawatak. Ang dating United Kingdom of Israel na binuo ni King David ay nahati sa dalawa pagkamatay ni King Solomon: Northern Kingdom at Southern Kingdom. Ang dating iisang Korea ay naging dalawang bansa rin: North and South. Ang Germany naging East and West Germany, pero muling nagkaisa.

Maraming mga Eastern European countries and dating nakapaloob sa USSR. Noong 1990s nagkawatak-watak sila hanggang sa ang maiwan ay ang Russia na lang. Ang mga West European countries naman ay bumuo ng European Union. Pero sa katagalan, kumalas din ang Great Britain; nag-“Brexit” sa European Union. Tayo kaya, ang Pilipinas, mananatiling kaya tayong isang bansa? Hindi ba ang pangalang Luzviminda ay simbolo ng pagkakaisa ng Luzon, Visayas at Mindanao? Kapag kumalas si Minda, aba magiging Luzvi na lang ang Pilipinas.

Ano ba ang sikreto ng tunay na pagkakaisa? Ito ang itinuturo ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Medyo paulit-ulit ang dating ng sinasabi niya: halimbawa, sabi niya sa kanyang panalangin, “Maging isa nawa silang lahat, Ama, kung paanong IKAW AY SUMASAAKIN at AKO AY SUMASAIYO.”

Bakit hindi sapat para sa kanya na sabihing “Magkaisa nawa sila kung paanong tayo ay nagkakaisa?” Bakit kailangan pa niyang idugtong, “kung paanong IKAW AY SUMASAAKIN at AKO AY SUMASAIYO.”? Sa Ingles, ang tawag sa ganoon ay “mutual.” Ganoon naman talaga kung ibig nating magkaisa talaga ng puso at diwa. Hindi “one way” ang galaw kundi “dalawang direksyon.” May tunay na dialogue, may pakikipagkapwa-kalooban.

Paano mag-uusap ang dalawang tao kung isa lang ang nagsasalita at walang choice ang kausap kundi ang makinig at sumunod? Ganyan sa relasyon ng amo at alipin. Kaya sinabi ni Hesus, “Hindi alipin kundi kaibigan ang turing ko sa inyo.”

Paano magkakaisa ang mga taong hindi marunong makinig o hindi man lang magbigay ng pagkakataon sa kausap na sumagot? Hindi magkakaroon ng pagkakaisa ang mga hindi handang kumilala o tumanggap sa mga pagkakaiba nila ng pananaw, kultura, kaugalian, at mga paniniwala? Mababaw ang pagkakaisa kapag pinipilit o tinatakot ang tao sa sumang-ayon kahit labag sa kalooban. Hindi nakukuha ang unity sa pamamagitan ng sapilitang uniformity. Hindi porke mukhang nagkakasundo ang mga tao ay nagkakaisa sila talaga. Kahapon narinig natin ang sabi ni Hesus: katotohanan lamang ang tunay na batayan ng pagkakaisa.

Minsan akala natin ang mga sinaunang Kristiyano ay laging nagkakasundo o nagmamahalan. Hindi po. Maraming beses din silang hindi magkaunawaan, hindi magkasundo, hindi magkasalubong sa isa’t isa. Maraming beses ding nanganib na mabuwag ang kanilang pagkakaisa. Iyon ang dahilan kung bakit isinugo ni Hesus ang Espiritu Santo. Hindi naman para maging iisa na lang ang kanilang linggwahe, kundi upang buksan ang kanilang puso at diwa upang matutong makinig at gumalang sa isa’t isa, upang mapag-aralang tumanggap sa kanilang mga pagkakaiba. Ito ang tinatawag na PAG-IBIG ni Hesus. Hindi sisibol ang pagkakaisa kung walang PAGIBIG.

Ang yumaong Pope John XXIII ang nagpasikat doon sa kasabihang Latin na hindi pa rin alam hanggang ngayon kung sino ang unang nagsabi. “In necessariis, unitas; in dubiis, libertas; in omnibus, caritas.” Sa English: “In essential things, unity; in doubtful matters, liberty; but in everything, charity.” Sa Tagalog, “Sa mga bagay na mahalaga, magsumikap na magkasundo. Sa mga sitwasyon na may pagdududa, igalang ang kalayaan ng isa’t isa. Ngunit sa lahat ng bagay, hayaang manaig ang pag-ibig.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 9,317 total views

 9,317 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 39,398 total views

 39,398 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 53,457 total views

 53,457 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 71,958 total views

 71,958 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PANINDIGAN MO

 8,011 total views

 8,011 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Apostol, 25 Hulyo 2025, 2 Cor 4:7-15; Mat 20:20-28 “Nanindigan ako, kaya’t nagsalita ko.” Galing sa Aklat

Read More »

KARAMAY

 4,721 total views

 4,721 total views Homiliya para sa Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon – 20 Hulyo 2025 Genesis 18:1–10 | Lucas 10:38–42 Nagkwento sa akin minsan ang

Read More »

KALAYAAN AT PAHINGA

 7,476 total views

 7,476 total views Homiliya para sa HUwebes sa Ika-15 Linggo ng KP, 17 Hulyo 2025, Eksodo 3:13-20; at Mat 11:28-30 Kung Linggo ang araw ng pagsamba

Read More »

THE GOD OF SMALL THINGS

 5,479 total views

 5,479 total views Homily for the Feast of Our Lady of Mount Carmel 1 Kings 18:42b–45a; Galatians 4:4–7; John 19:25–27 One of the great biblical figures

Read More »

BIDA AT KONTRABIDA

 12,189 total views

 12,189 total views Homiliya para sa Martes sa Ika-15 Linggo ng KP, 15 Hulyo 2025, Exod. 2:1-15 at Mat 11:20-24 Sa mga kuwentong napapanood ko noong

Read More »

MGA BIKTIMA SA DIGITAL NA KALSADA

 6,927 total views

 6,927 total views Homiliya para sa Ika-15 Linggo ng KP, 13 Hulyo 2025, Lk 10:25-37 Sa mga kalsada natin, dahil napakarami ng motoristang bumibiyahe at mga

Read More »

DUST

 7,921 total views

 7,921 total views Homily for Thursday of the 14th Week in Ordinary Time 10 July 2025 | Gen 44:18–21, 23–29; 45:1–5 & Mt 10:7–15 There’s one

Read More »

CHRIST IN US

 11,284 total views

 11,284 total views Homily for Fri of the 11th Wk in OT, 20 June 2025, 2Cor 11, 18, 21-30 & Mt 6, 19-23 What do we

Read More »

“TANGING YAMAN”

 19,930 total views

 19,930 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, 13 Hunyo 2025, 2 Cor 4:7-15, Mat 5:27-32 Noon huling pyesta na nagmisa ako

Read More »

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 18,949 total views

 18,949 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »
1234567