Pamumuhunan para sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 700 total reads

Hindi maitatatwa na sa ating lipunan, mas maraming hadlang sa kaunlaran ng kababaihan kaysa sa kalalakihan. Malayo  man ang ating narating  sa larangan ng gender equality, marami pa ring  isyu ang kailangan nating harapin pagdating sa kapakanan ng babae. Mas nakita nga ang mga hadlang na ito nitong pandemya, kung saan ang babae ang nagpasan ng mas maraming mga burdens o problema, gaya ng kawalan ng trabaho at domestic care work.

Ayon nga sa International Labour Organization (ILO), mga 5%  mga babae sa buong mundo ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya, kumpara sa 3.9% sa lalake. Sa ating bansa, 8.3% ang jobless rate sa hanay ng babae noong Agosto 2021 kumpara sa 7.9% sa lalake.

Pagdating naman sa unpaid care at domestic work, may isang pag-aaral nga na nagpapakita na babae ang nagpapasan nito, may trabaho man sila o wala. Tinatayang mga 13 oras kada araw ang ginugugol ng mga babae para sa gawaing bahay, dagdag pa sa trabaho nila sa opisina o sa mga factory. Ang hirap baguhin nito, kapanalig diba. Kahit na mas marami ng lalaki ngayon ang sanay na sa gawaing bahay, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nalilimita sa mga deeply ingrained stereotypes – kaya ang trabahong bahay ay mas laging napupunta sa mga babae.

Maliban sa stereotypes, hindi rin natin maiangat-angat ang ating persepsyon ukol sa gawaing bahay. Hindi natin binibilang ang value o kahalagahan nito kahit pa ilang ulit sabihin ng ating mga nanay sa atin, hindi ba? Laging libre ang ating pagtingin dito – kasama sa sakripisyo na dapat binibigay ng tao, lalo na ng mga babae sa tahanan.

Kapanalig, kailangan na natin kongkretong suportahan ang mga kababaihan sa ating tahanan at paligid. Kailangan natin ng mga investments o pamumuhunan na makakatulong sa kanilang pang-araw araw na buhay. Isa sa ating maaaring masimulan ay ang pagkakaroon ng pamumuhunan para sa mas responsive na child-care at elderly care sa community level upang may kaagapay ang mga magulang sa pag-aaruga sa mga anak at mga lolo at lola, na dalawa lamang sa ga mahahalagang care work sa ating tahanan. Pwede ring tayo magsimula ng mga kabuhayang magagawa ng mga kababaihan mula sa kanilang mga komunidad upang abot-kamay lang din naman trabaho.

Tandaan sana natin, ang kaunlaran ng kababaihan ay kaunlaran ng lahat. Dito, napakahalaga na walang iwanan, na siya ring gabay sa atin  ng Deus Caritas Est: Walang puwang ang kahirapan sa kalipunan ng mga nananalig at nagmamahal sa Diyos. Kung lagi na lamang natin mas pahihirapan ang babae sa ating lipunan, salat ito sa katarungan at pag-ibig na nais na maipalaganap ating Panginoon sa sandaigdigan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 88,795 total reads

 88,795 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 122,428 total reads

 122,428 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 157,727 total reads

 157,727 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 383,997 total reads

 383,997 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 272,750 total reads

 272,750 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 88,796 total reads

 88,796 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 122,429 total reads

 122,429 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 157,728 total reads

 157,728 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 383,998 total reads

 383,998 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top