VeritasPH

The Word, The Truth

 751 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikapitong LInggo ng Pagkabuhay, 02 Hunyo 2022, Jn 17:20-26

“Divide and conquer” and tawag sa Ingles sa ginamit na paraan ni San Pablo sa ating unang pagbasa. Mukhang siniryoso talaga niya ang inihabilin ni Hesus sa kanyang mga alagad: na “Maging maamong gaya ng kalapati at tusong gaya ng ahas.” Ginamitan niya ng katusuhan ang mga miyembro ng pinakamataas na konseho ng mga Hudyo: ang SANHEDRIN.

Noong una pinagkakaisahan nila na hatulan ng kamatayan si Pablo, katulad ng ginawa nilang paghatol kay Hesus. Pero matinik si Pablo, alam niyang mababaw lang ang kanilang pagkakaisa. Dahil dati rin siyang Pariseo, alam niya ang mga pagkakaiba nila ng pananaw sa relihiyon sa mga Saduseo. Alam niya na di tulad ng mga Pariseo, ang mga Saduseo ay hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala sa mga anghel o mga espiritu, mabuti man o masama.

Kaya nang tanungin niya ang Sanhedrin, “Ako ba’y nililitis ninyo dahil ako’y naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga yumao?”, nagkagulo na sila. Ang dating pagkakaisa nila ay biglang nagkawatak. Imbes na PAGKAKAISA, ang nangibabaw ay ang kanilang mga PAGKAKAIBA ng mga pananaw.

Kapag mababaw, o di-patas, o hindi makatarungan ang pinagkakaisahan, talagang hindi ito magtatagal. Mabubuwag din sa bandang huli. Sa kasaysayan marami nang mga bansang dating nagkakaisa ang sa katagalan ay nagkawatak. Ang dating United Kingdom of Israel na binuo ni King David ay nahati sa dalawa pagkamatay ni King Solomon: Northern Kingdom at Southern Kingdom. Ang dating iisang Korea ay naging dalawang bansa rin: North and South. Ang Germany naging East and West Germany, pero muling nagkaisa.

Maraming mga Eastern European countries and dating nakapaloob sa USSR. Noong 1990s nagkawatak-watak sila hanggang sa ang maiwan ay ang Russia na lang. Ang mga West European countries naman ay bumuo ng European Union. Pero sa katagalan, kumalas din ang Great Britain; nag-“Brexit” sa European Union. Tayo kaya, ang Pilipinas, mananatiling kaya tayong isang bansa? Hindi ba ang pangalang Luzviminda ay simbolo ng pagkakaisa ng Luzon, Visayas at Mindanao? Kapag kumalas si Minda, aba magiging Luzvi na lang ang Pilipinas.

Ano ba ang sikreto ng tunay na pagkakaisa? Ito ang itinuturo ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Medyo paulit-ulit ang dating ng sinasabi niya: halimbawa, sabi niya sa kanyang panalangin, “Maging isa nawa silang lahat, Ama, kung paanong IKAW AY SUMASAAKIN at AKO AY SUMASAIYO.”

Bakit hindi sapat para sa kanya na sabihing “Magkaisa nawa sila kung paanong tayo ay nagkakaisa?” Bakit kailangan pa niyang idugtong, “kung paanong IKAW AY SUMASAAKIN at AKO AY SUMASAIYO.”? Sa Ingles, ang tawag sa ganoon ay “mutual.” Ganoon naman talaga kung ibig nating magkaisa talaga ng puso at diwa. Hindi “one way” ang galaw kundi “dalawang direksyon.” May tunay na dialogue, may pakikipagkapwa-kalooban.

Paano mag-uusap ang dalawang tao kung isa lang ang nagsasalita at walang choice ang kausap kundi ang makinig at sumunod? Ganyan sa relasyon ng amo at alipin. Kaya sinabi ni Hesus, “Hindi alipin kundi kaibigan ang turing ko sa inyo.”

Paano magkakaisa ang mga taong hindi marunong makinig o hindi man lang magbigay ng pagkakataon sa kausap na sumagot? Hindi magkakaroon ng pagkakaisa ang mga hindi handang kumilala o tumanggap sa mga pagkakaiba nila ng pananaw, kultura, kaugalian, at mga paniniwala? Mababaw ang pagkakaisa kapag pinipilit o tinatakot ang tao sa sumang-ayon kahit labag sa kalooban. Hindi nakukuha ang unity sa pamamagitan ng sapilitang uniformity. Hindi porke mukhang nagkakasundo ang mga tao ay nagkakaisa sila talaga. Kahapon narinig natin ang sabi ni Hesus: katotohanan lamang ang tunay na batayan ng pagkakaisa.

Minsan akala natin ang mga sinaunang Kristiyano ay laging nagkakasundo o nagmamahalan. Hindi po. Maraming beses din silang hindi magkaunawaan, hindi magkasundo, hindi magkasalubong sa isa’t isa. Maraming beses ding nanganib na mabuwag ang kanilang pagkakaisa. Iyon ang dahilan kung bakit isinugo ni Hesus ang Espiritu Santo. Hindi naman para maging iisa na lang ang kanilang linggwahe, kundi upang buksan ang kanilang puso at diwa upang matutong makinig at gumalang sa isa’t isa, upang mapag-aralang tumanggap sa kanilang mga pagkakaiba. Ito ang tinatawag na PAG-IBIG ni Hesus. Hindi sisibol ang pagkakaisa kung walang PAGIBIG.

Ang yumaong Pope John XXIII ang nagpasikat doon sa kasabihang Latin na hindi pa rin alam hanggang ngayon kung sino ang unang nagsabi. “In necessariis, unitas; in dubiis, libertas; in omnibus, caritas.” Sa English: “In essential things, unity; in doubtful matters, liberty; but in everything, charity.” Sa Tagalog, “Sa mga bagay na mahalaga, magsumikap na magkasundo. Sa mga sitwasyon na may pagdududa, igalang ang kalayaan ng isa’t isa. Ngunit sa lahat ng bagay, hayaang manaig ang pag-ibig.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,793 total views

 8,793 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,778 total views

 16,778 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,314 total views

 24,314 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,300 total views

 40,300 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,344 total views

 48,344 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 301 total views

 301 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,057 total views

 3,057 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,472 total views

 7,472 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,798 total views

 2,798 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,321 total views

 3,321 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,820 total views

 4,820 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,664 total views

 5,664 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,919 total views

 3,919 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,132 total views

 8,132 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,365 total views

 7,365 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,575 total views

 11,575 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,023 total views

 5,023 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,027 total views

 5,027 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,027 total views

 5,027 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,019 total views

 5,019 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top