Synodal consultations, nagdulot ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 791 total reads

Ibinahagi ng Archdiocese of Cebu Commission on the Laity na mas nagbuklod ang iba’t ibang mandated religious organizations sa isinagawang synodal consultations.

Ayon kay LayKo Cebu Chairperson Fe Barino nagdulot ng pagkakaisa sa mga lingkod ng simbahan ang konsultasyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng paglilingkod sa kawan ng Panginoon.

“One good thing happened lalo dito sa Archdiocese of Cebu as far as the lay people are concerned, we have organized all lay organizations under the Commission on the Laity, we group them into councils,” pahayag ni Barino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Barino na naging magandang bunga ng synodal consultations pagbuklod buklod ang iba’t ibang grupo at higit napakinggan ang mga mungkahi para sa ikabubuti ng paglilingkod sa simbahan.

Isa si Barino sa kasapi ng Cebu Archdiocesan Synodal Team na nangangasiwa sa konsultasyon sa mga parokya at mga sektor ng lalawigan.

Kabilang sa pinakinggan ng grupo ang mga uring manggagawa kabilang na ang mga mangingisda at magsasaka, mga nasa larangan ng sining at teatro, gayundin ang LGBTQ+ community.
Pinuri ni Barino ang hakbang ni Pope Francis na Synod on Synodality sapagkat nabigyang pagkakataon ang mga maliliit na grupo sa pamayanan na mapakinggan ang kanilang mungkahi sa simbahan.

Sa darating na June 14 isasagawa ng arkidiyosesis ang Metropolitan Synodal Consulatations kasama ang suffragan dioceses ng Dumaguete, Maasin, Tagbilaran at Talibon na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu.

Layunin ng pagtitipon na mabalangkas ang synthesis mula sa mga diocesan consultations at maipasa para sa national synodal conventions.

October 2021 nang ilunsad ni Pope Francis ang Synod on Synodality bilang paghahanda sa Synod of Bishops na gagawin sa October 2023 sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,688 total reads

 22,688 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,201 total reads

 103,201 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,428 total reads

 197,428 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 257,917 total reads

 257,917 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,642 total reads

 270,642 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,669 total reads

 36,669 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top