Tax at PHILHEALTH premium hike, insulto sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,287 total reads

Pataasin ang buwis ng mga malalaking korporasyon at nagmamay-ari nito.

Ito ang apela sa pamahalaan ni Father Eric Adoviso, Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa halip na itaas ang buwis na sinisingil sa Value Added Tax at singil sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Premium.

Ayon sa Pari, liliit ang purchasing power ng ordinaryong mamamayan na mabili ang pangunahing pangangailangan kapag itinaas ng pamahalaan ang VAT.

“Kailangan ayusin yung Health System, buwisan yung mayayaman tapos yung mahihina sila talaga yung makinabang sa serbisyo ng gobyerno. Hindi palagi yung mga mahihirap, bawat bili natin anuman ang puntahan natin may tax lahat. Ang isa pang problema ang laki ng utang natin,” pahayag Father Adoviso sa Radio Veritas.

Iginiit din ni Father Adoviso na sapat ang ipinatupad na wage hike sa National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa dahil aabot lamang ito ng 20 hanggang 110-piso kumpara sa napakalaking kita ng korporasyon.

Nanindigan naman si Sonny Africe, executive director ng Ibon Foundation na hindi patas para sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng mahigpit na pagpapatupad ng lockdowns kung itataas pa ang mga sinisingil na buwis.

“Dapat tanungin ng ordinaryong Pilipino kung bakit palaging tayo ang napapatawan ng buwis, sa harap ng napakaliit na kita at wala namang naiipong yaman. Habang ang iilan na may bilyun-bilyong piso ay nagbabayad ng malayo sa kaya pa sana nilang kontribusyon,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Ipinapanalangin naman ni Father Adoviso ang mga manggagawang apektado ang kabuhayan bunsod ng pagtaas ng bilihin at pandemya na tratuhin silang pantay ng mga employer.

Naunang ipinaliwanag ng Philhealth na ang pagtataas ng 4% mula sa 3% na singil sa buwanang suweldo ng mga manggagawa ay alinsunod sa Universal Health Care Law.

Ang PhilHealth premium hike ay aabot ng 400-piso para sa mga manggagawang kumikita ng 10-libong piso pababa kada buwan.

Para naman sa mga kumikita ng 10-libong piso hanggang 80-libong piso ay aabot ang singil sa 400 hanggang 3,200-piso kada buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,026 total reads

 36,026 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 116,379 total reads

 116,379 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 149,827 total reads

 149,827 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,126 total reads

 185,126 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,294 total reads

 410,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top