Paglalaan ng Pondo para sa Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 84,629 total reads

Isa sa mga gawaing dapat nating unahin sa indibidwal hanggang nasyonal na lebel ay ang paglalaan ng pondo para sa kalusugan. Kitang kita natin ang value nito noong panahon ng pandemya na nagpamukha sa atin na ang kalusugan ay pundasyon ng kaunlaran.

Sa individual at household level, mahirap para sa maraming mga Pilipino ang maglaan ng pera para sa kalusugan – marami kasi ang bitin ang kita, at hirap na pagkasyahin ang ito para sa masustansyang pagkain. Pero dahil nga kulang na sa masustansyang pagkain, nagiging mas urgent ang pangangailangan ng pondo para sa kalusugan.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan ng mas maayos na paglalaan ng pondo para sa kalusugan ng bayan. Hirap na ang tao maging malusog dahil sa karalitaan, hindi pa sila masuportahan ng pamahalaan. Kailangan tanggapin at yakapin ng pamahalaan ang responsibilidad na ito, dahil siya ang pangunahing haligi sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Para epektibong magawa ito ng pamahalaan, kailangan niya suriin ang mga isyung nakapaligid dito.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kawalan ng sapat na pondo para sa mga health facilities at serbisyong pangkalusugan. Maraming lugar sa bansa, lalo na ang mga nasa malalayong probinsya, ang naghihirap sa kakulangan ng mga ospital, kagamitan, at sapat na bilang ng mga health professionals. Ang paglalaan ng sapat na pondo ay mahalaga upang mapabuti ang imprastruktura ng kalusugan at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ang pagtaas ng investments for health ay maaaring magsilbing pondo para sa mas makabagong teknolohiya at gamot na makakatulong sa mas epektibong pagtugon sa mga karamdaman. Mahina ang research and development sa ating bayan, kapanalig. Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa larangan ng medisina ay mahalaga para sa pag-unlad at pagpapabuti ng kalusugan ng mga Pilipino. Ang paglalaan ng sapat na pondo para rito ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na pag-usbong ng mga bagong gamot at treatments.

Pangatlo, ang edukasyon sa kalusugan ay isang aspeto na hindi rin dapat maliitin. Ang kampanya para sa preventive health measures, gaya ng maayos na nutrisyon at regular na ehersisyo, ay pangunahing armas laban sa mga karamdaman. Kailangan din ang pondo para dito. Ang paglalaan ng pondo para sa edukasyon at kampanya ay nagbubukas ng oportunidad para sa mas malawakang pag-unawa ng mamamayan sa kanilang sariling kalusugan.

Ayon sa Rerum Novarum, it is the province of the commonwealth to serve the common good. Ang kalusugan ng mamamayan, kapanalig, ay isa sa ating common good o kabutihan ng balana. Ang pondo para sa kalusugan ay hindi lamang gastusin kundi isang investment para sa kinabukasan ng bansa. Ang malusog na mamamayan ay may mas mataas ang produktibidad, mas mababang bilang ng mga nagkakasakit, at mas matibay ang pundasyon para sa long-term progress. Sa pagtutok ng pamahalaan sa sapat at tamang pondo para sa kalusugan, nagiging mas makakabuluhan din ang buwis na kinakaltas sa atin.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 59,483 total reads

 59,483 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 79,735 total reads

 79,735 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 158,123 total reads

 158,123 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 202,434 total reads

 202,434 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 237,462 total reads

 237,462 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sense of entitlement!

 59,484 total reads

 59,484 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 79,736 total reads

 79,736 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 158,124 total reads

 158,124 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 202,435 total reads

 202,435 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »
Scroll to Top